Luis nag-propose na raw kay Jessy sa Japan; todo landian sa Minute To Win It

By Julie Bonifacio April 20,2017
share this

Luis nag-propose na raw kay Jessy sa Japan; todo landian sa Minute To Win It

By Julie Bonifacio April 20,2017
share this

jessy mendiola at luis manzano
HINDI nagpahuli ang magkasintahang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa ibang stars na nagbakasyon sa ibang bansa last Holy Week. Nag-post si Luis nang napaka-sweet na picture nila ni Jessy na kuha sa Japan.

But unlike most of the celebrities na umalis ng bansa last week, nauna nang nagpunta sa Japan sina Luis at Jessy one week earlier. Baka ‘yun na rin ang advance birthday celebration ng panganay ng Star For All Seasons na si Lipa Cong. Vilma Santos-Recto who’s turning 36 years old on April 21.

No wonder may week-long birthday celebration si Luis sa kanyang programang Minute To Win It. At syempre, dahil special ang episode nila for this week kaya naglaro si Jessy along with his celebrity friends and personal staff.

Panay ang holding hands at yakapan ng magkasintahan during the show. Doon din ay ikinuwento ni Luis ang bakasyon nila ni Jessy at ‘yung favorite place na pinuntahan nila sa Japan. Ipinakita rin ang iba pang sweet pictures nila ni Jessy sa Japan.

Duda ng iba, posibleng nag-propose na si Luis kay Jessy doon. And why not, coconut? Nasabi na rin naman ni Luis that he sees himself marrying Jessy, di ba?

Also, Luis is not getting any younger, huh! Plus, financially stable and psychologically prepared na rin siya. May establisadong career sa showbiz, may malaking bahay sa isang posh subdivision sa Kyusi, mga negosyo at may magandang girlfriend.

Ano pa ba ang kailangang hintayin ni Luis para mag-asawa gayong taglay na niya ang lahat ng qualities ng isang bachelor na pwede-pwede nang lumagay sa tahimik? Dahil diyan, aarte pa ba si Jessy?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending