SABADO na at isang tulog na lang ay bakbakan na nina Manny Pacquio at Miguel Cotto.
Simula Lunes ay maraming “bombang” sumabog. Nariyan ang rekomendasyon ng isang komite sa Senado na sampahan ng impeachment si Pangulong Arroyo. Nariyan ang gulo sa mga gasolinahan, na unang sumiklab sa Lucena City, nang magsara ang mga sangay ng Petron dahil sa oil price cap na pinaiiral ng Malacanang (araw-araw ay may gulo sa mga gasolinahan dahil limitado na ang benta ng gasolina’t krudo sa mga pampasaherong jeepney at mga tricycle, ang malalakas lumaklak ng gatong, tulad ng nagaganap sa Pasig, north Quezon City, Bulacan at Nueva Ecija). Nariyan ang banta ni Sen. Miriam Santiago na pangangalanan niya ang mga kabit at kinakalantari ng isang Puno kapag sinungay siya. Nariyan ang pugutan (na naman) sa Mindanao at ang walang katapusang kidnaping (siyempre), atbp.
Pero, tiyak na isasantabi ang mga bombang yan sa Linggo, ang laban nina Manny at Miguel. Walang bangayan. Walang kidnap. Walang pugutan. Walang impeachment.
Manood muna tayo.
Lito Bautista, Executive Editor
BANDERA, 111309
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.