Negosyo ni gov’t exec mabibisto ‘pag sumuko si Sahiron
KABADO ang isang local official sa Mindanao sa report na susuko na ang Abu Sayyaf leader na si Radullan Sahiron.
Sinabi ng ating Cricket na tiyak na lulutang ang protection business ni Mr. Politician oras na kumanta ang lider ng ASG.
Nauna na kasing napabalita na susuko na raw si Sahiron dahil hirap na siyang magpalipat-lipat ng mga lugar dahil sa patuloy na pagtugis sa kanila ng militar.
Bukod sa may sakit na ay mahigit 70-anyos na rin itong lider ng Abu Sayyaf.
Balikan natin si Mr. Local Official, kilala ang ating bida na siga sa kanilang lalawigan at noong nakalipas na halalan ay siya ang contact ng mga pulitiko na gustong pumasok sa mga lugar na kontrolado ng Abu Sayyaf.
Totoo naman na kapag siya ang kasama ay untouchable ang mga ito sa bandidong grupo.
Matagal ng balita kahit na sa government forces na nakikihati si Mr. Local official sa ransom na ibinabayad sa ASG members sa bawat kidnap victims na kanilang pinalalaya.
Hindi na lamang nagsasalita ang ilan sa mga ito dahil “inaayos” daw sila ni local official.
Matagal na raw ang ganitong kalakaran at ito umano ang isa sa mga source of income ni Mr. Local Official.
Kapag sumuko at nagsalita si Sahiron ay mas lalong malalantad ang iba pang mga pulitiko na nakikinabang sa kanilang ilegal ma gawain at siguradong kasama rito ang bida sa ating kwento.
Sinabi ng ating Cricket na hindi na siya magtataka pa kapag nakiisa si Mr. Local Official sa mga bubulong sa mga top military officials na dagdagan ang opensiba laban sa Abu Sayyaf.
Mas gugustuhin kasi nitong mapatay sa enkwentro si Sahiron para habambuhay na maitago ang kanyang involvement sa ilegal na gawain ng Abu Sayyaf Group.
Ang local official na matagal na umanong nakikinabang aa ilegal na gawain ng bandidong grupo ay si Mr. A….as in Alburuto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.