‘Sino?’ nina Mike, Arnold at Ali sa GMA News TV | Bandera

‘Sino?’ nina Mike, Arnold at Ali sa GMA News TV

Ervin Santiago - April 19, 2017 - 12:35 AM

mike arnold ali joel

KITANG-KITA ang magandang samahan at matinding chemistry ng tatlong radio and TV personalities na humarap sa ilang miyembro ng entertainment media the other day.

Ang tinutukoy namin ay ang mga award-winning news anchors and broadcasters na sina Mike Enriquez at Arnold Clavio, ang actress-turned TV host-turned radio anchor na si Ali Sotto at ang sinasabing kaboses daw ni Ted Failon na si Joel Reyes Zobel.

Sila ngayon ang bagong astig team to beat sa morning block GMA News TV. Simula kasi sa April 24, Monday, mapapanood na rin sa GNTV ang kanilang mga programa sa DZBB.

Ibinandera ng apat na radio hosts na hindi na kailangan pang magkaroon ng cable ang pamilyang Pinoy para mapanood sila sa telebisyon dahil sa free TV na mapapanood ang kani-kanilang radio show.

Mula alas-6 ng umaga hanggang 11 a.m. ay araw-araw nang mapapanood ang Saksi Sa Dobol B hosted by Mike, na susundan ng Super Balita Sa Umaga Nationwide nila ni Joel Reyes Zobel, at ang Sino? nina Mike, Arnold Clavio at Ali Sotto to be followed immediately ng Dobol A Sa Dobol B nina Igan at Ali.

Ayon kay Mike, na siya ring presidente ng RGMA (Radio-GMA), mas palalakasin pa nila ang kanilang mga programa para sa kanilang mga loyal listeners ngayong mapapanood na rin ang mga pinaggagagawa nila sa radyo.

Sey ng mga Kapuso hosts, matagal na raw nire-request ng mga Kapuso na mapanood na rin sana sila sa TV. Dagdag pa ni Mike, “Kaya eto na ang matagal nilang hinihintay, finally, makikita na rin nila sa TV ang mga paborito nilang programa sa radyo. Wala namang masyadong magbabago sa atake namin.”

Inamin din ni Mike na napapanood din sa 24 Oras at Imbestigador sa GMA 7, na matindi rin ang kumpetisyon sa radyo, tulad din ng sa TV.

Samantala, the rose among the thorns naman ang drama ni Ali Sotto sa kanilang grupo dahil siya lang ang girl sa astig team ng GNTV. Una siyang nakilala sa showbiz as a singer and actress bilang si Aloha. Ngunit mas sumikat siya bilang TV host (sa talk show na Katok Mga Misis sa GMA) dala ang screen name na Ali Sotto.

Aniya, mas enjoy siya ngayon bilang radio commentator, “Kasi ngayon, what you say matters. It’s very fulfilling. Wala na akong pinaaaral na anak, wala na akong binabayarang renta, nga monthly amortizations.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Unlike before, when I was doing acting, I am a single mom. I had two kids (sa dating asawang si Maru Sotto) to raise and my son Miko passed away, si Chino got married na,” ani Ali.

Inamin niyang mas bongga ang bayad sa TV kesa sa radyo, “Yung suweldo mo sa radyo, isang araw mo lang sa acting. So now, gusto mo na may meaning na yung ginagawa mo. My offers pa rin to do teleserye, pero alam mo yung life-work balance din na at 11, tapos na ako ng trabaho. I can do other things na mas domesticated.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending