Sir Mabie Nabor: Guro, transgender, LGBT warrior
MAGSISIMULA na ang klase sa Social Studies. Pumasok ang guro sa silid-aralan at binati ang kanyang mga estudyante. Hindi naman alam ng mga bata kung paano siya babatiin. “Good morning, ma’am ba o good morning, sir?”
Ito ang naiimadyin noon na eksena ni Mabini Nabor aka Bianca Marie Nabor sakaling magsimula na siyang magturo.
Noon iyon.
“Sir Mabie,” ang pakilala niya nang makapanayam siya ng BANDERA. At iyon din ang nais niyang itawag sa kanya ng kanyang mga estudyante sa darating na pasukan.
“I don’t want to confuse my students. I have to sacrifice for the many. I can’t be selfish as a teacher,” paliwanag ni Nabor.
Tulad ng nakararami, si Nabor, 45, ay may pangarap para sa lipunan: maipamalas sa mga mag-aaral ang kanyang kaalaman ukol dito, at matanggap siya nito bilang isang transgender.
Tanggap man ni Nabor na “sir” ang itatawag sa kanya ng mga mag-aaral, umaasa pa rin siya na tatawagin din siyang “ma’am” sa tamang panahon upang makilala siya bilang transgender woman.
“I’ll spend my life teaching as a man kahit operada na ako. This is my destiny. I just hope that the next generation ng mga transgender ay ma-recognize na sila.”
Sa kabila ng kagustuhan niyang makilala bilang “ma’am,” itinuturing pa rin ni Nabor na mas mahalaga ang ituturo niya sa kanyang mga estudyante.
“Values is the most important. I have to deliver that to my students,” pahayag pa nito.
Pormal na nagmartsa si Nabor noong Biyernes, ika-31 ng Marso, upang tanggapin ang kanyang diploma at karangalan, mula sa pagtatapos ng kolehiyo.
Sa loob ng closet
Hindi naging madali ang buhay ni Nabor, lalo na at laganap pa rin ang diskriminasyon sa bansa.
Ilang taon din muna ang kanyang binilang bago tuluyang nakapaglantad ng kanyang tunay na kasarian.
Kwento niya, elementarya pa lang siya ay alam na niyang siya ay isang bading, ngunit hindi maamin sa mga magulang, lalong-lalo na sa ama na napakahigpit at isang disciplinarian.
Walong-taong-gulang siya nang pumanaw ang kanyang ama kaya hindi niya nasabi rito na mas nahumaling siya sa mga laruang pambabae.
Nagkalakas lamang ng loob si Nabor na aminin ang kanyang tunay na kasarain sa kaniyang ina.
“Bago namatay ang nanay ko, tinanggap naman niya ang kasarian ko,” sabi ni niya.
Idinagdag ni Nabor na pagkatapos mag-high school, imbes na mag-aral sa kolehiyo, nagdesis-yon siyang kumuha ng vocational course na hairdressing.
Boracay, Germany, Japan
Noong 1990, nagsi-mulang mamalagi si Nabor sa Boracay, kung saan doon na rin siya nagtrabaho bilang make-up artist at hairdresser. Namahala rin siya ng sari-ling negosyo sa tinaguriang tourist top destination sa bansa.
Kwento pa ni Nabor, bukod sa mga naging trabaho sa Boracay, na-ging entertainer din siya sa Japan at Germany. Umabot siya ng dalawang taon sa Japan at apat naman sa Germany.
“Ganun ang buhay ko, kung wala ako sa Boracay, nasa Japan ako o kaya sa Germany at pagbalik ko sa bansa, balik ako sa Boracay para magtrabaho,” sabi niya
Taong 2000 nang magpasiya siya na magpa-sex change.
Dagdag pa ng future Social Studies teacher, habang nasa Boracay ay naging makulay ang kaniyang love life.
“I was engaged se-ven times sa dalawang tao. May requirement kasi ako na six months muna na live in bago magpakasal,” kwento niya.
Pero gaya rin ng marami, may mga relasyon siyang di rin nagtagumpay
Balik-eskwela
Edad 41 nang magdesisyon si Nabor na mag-aral muli at kumuha ng kursong Ba-chelor in Secondary Education Major in Social Studies.
Bukod sa scholarship, sariling kayod bilang hairdresser at tulong ng kapatid ang nagtawid sa kanya para matapos ang pag-aaral.
Naniniwala rin siyang ginabayan siya ng kanyang yumaong mga magulang. “Kahit nasa other world na sila, I know that they are gui-ding me and I’m thanking them for keeping me safe. Lalo na kapag kailangan ko ng gui-dance, I can feel them at I’m really thankful sa kanilang paggabay,” aniya.
“Super happy ako na may na-achieve ako. ‘Yung makatapos ng pag-aaral sobrang achievement na, kaya ‘yung magtapos nang Magna Cum Laude, super bonus talaga sa akin,” dagdag ni Nabor.
Sabi niya ay gagamitin niya ang kanyang natapos para magturo, at makapag-inspire rin sa mga kabataan na nais makapagtapos ng pag-aaral.
Legal battle
Bilang isang miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT) community, at bagamat nakabangon na sa mga pasakit sa buhay, hindi pa rin nakakaiwas si Nabor sa mga diskri-minasyon.
“We should be given recognition. We are part of the society. What’s stopping the state to allow us to be happy?” sabi ni Nabor.
Nanawagan din si Nabor sa pamahalaan na kilalanin ang LGBT community, at bigyan ng naayon na karapatan.
“For our government, we should not be treated like ghosts. We e-xist and we are humans, too. We are a growing minority that needs attention and equal rights,” aniya.
Nagsampa ng kaso si Nabor sa korte upang makapagpalit ng pa-ngalan at kasarian ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanya.
“I was so depressed that I got into drugs. Nawalan ako ng gana sa buhay,” ani Nabor nang hindi niya makuha ang hinihiling mula sa estado.
“Nawalan ako ng gana dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin recognize ng lipunan ang katulad namin,” paghihimutok ni Nabor.
“But eventually, na-realize ko na mag-start muli, mag-move forward at baguhin ang buhay ko,” dagdag pa niya.
Nais ni Nabor na maipagkaloob sa kanya ang pagkakakilanlan bilang isang transwoman tulad ng kay Congresswoman Geraldine Roman.
“Congresswoman Roman is one lucky bit__,” natatawa niyang pahayag sa BANDERA, ukol sa pagkaloob ng korte na mapalitan ang pangalan at kasarian ng transwoman na kongresista.
“Kung ano man ang ginawa niya to be granted that, I am so jealous of her. She’s so lucky,” dagdag niya.— Lea Mat Vicencio (contributor)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.