Nanganganib ang NLEX | Bandera

Nanganganib ang NLEX

Barry Pascua - April 01, 2017 - 10:58 PM

KAHIT nalasap ng NLEX Road Warriors ang ikaapat na sunod nilang kabiguan noong Biyernes ay may naaninag na manipis na brilyante si head coach Joseller “Yeng” Guiao, kasi nga naman ay nabigyan nila ng magandang laban at tinakot nila ang Star Hotshots bago yumuko.

Isinalba ng rookie na si Jiovani Jalalon ang Hotshots nang maipasok nito ag isang side jumper sabay sa pagtunog ng final buzzer.

Muntik na kasing nawala ang bola sa import na si Tony Mitchell pero nasulyapan niyang libre si Jalalon na iniwan ng bantay upang tumulong sa pagdepensa laban sa Star import.

So far, ito ang pinakamagandang performance ni Jalalon na nagsabing handa naman siyang itira ang last shot. Pero siyempre kakaunti ang pressure nun kasi kung nagmintis si Jalalon, ang pinakamalamang na mangyayari ay overtime.

Magandang simula na rin iyon.

Darating ang araw na matalo-manalo ang sitwasyon. Kapag nagmintis siya, talo kapag pumasok panalo. Ang mahalaga ay kaya ng dibdib niya na itira.

Masakit naman ang dibdib ng Road Warriors. Kasi sa kanila dapat ang tabla-panalong sitwasyon.

Tabla kasi ang score, 103-all, may 30 segundo ang nalalabi at kanila ang bola. May tatlong timeout sila, wala na ang Star. So lahat ay pabor sa NLEX. Tumawag ng timeout si Guiao at nagkrokis ng play.

Natural na ang instruction ay magsayang ng konting oras. Kung puwede ay halos ubusin ang 24-second shot clock.

Inaasahan nga ng lahat na ang import na si Wayne Chism ang titira. Mainit kasi si Chism na nagtapos nang may 33 puntos, 19 rebounds, limang assists at isang blocked shot.

Pero hindi siya ang tumira. Sa halip ay kinuha ng bagong lipat na si Rabeh Al-Husseini at pumukol sa maikling semi-hook. Mintis.

Ang siste ay mahaba ang playing time na natira kaya hindi nagkumahog ang Hotshots. The rest is history.

Humanap na lang ng kunsuwelo si Guiao sa pangyayaring nabura ng Road Warriors ang 21 puntos na kalamangan ng Hotshots sa second quarter at naidikta sana ang endgame.

Pero siyempre, talo pa rin. Nasa ilalim ng standings ang NLEX ka-holding hands ang Blackwater.

Kung titingnan nga lang ay mas may rasong matalo ang Elite dahil may injury ang top two locals nilang sina Mac Belo at Art dela Cruz.

E ang NLEX ay nakapagdagdag pa ng sentro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana nga lang ay matapos na ang kamalasan ng Road Warriors at magsimula silang manalo. Baka kasi matsugi na naman sila!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending