Cignal-San Beda nakauna sa PBA D-League Finals | Bandera

Cignal-San Beda nakauna sa PBA D-League Finals

Melvin Sarangay , |March 30,2017
facebook
share this

Cignal-San Beda nakauna sa PBA D-League Finals

Melvin Sarangay - , March 30, 2017 - 10:06 PM

Laro sa Lunes
(Filoil Flying V Arena)
4 p.m. Cignal-San Beda vs Racal
(Game 2, best-of-3 Finals)

LUMAPIT ang Cignal-San Beda Hawkeyes sa pagkuha sa kauna-unahang korona sa PBA
D-League matapos talunin ang Racal Tile Masters, 93-85, sa Game One ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup best-of-three Finals Huwebes sa Ynares Sports Arena, Pasig City.

Gumawa si Jason Perkins ng 28 puntos at walong rebounds para pamunuan ang Hawkeyes na mangangailangan na lamang manalo sa Game Two sa Lunes para iuwi ang unang titulo sa liga.

Nagdagdag si Pamboy Raymundo ng 21 puntos para sa Hawkeyes habang si Robert Bolick ay nag-ambag ng 19 puntos at anim na assists.

Pinangunahan naman ni Rey Nambatac ang Tile Masters sa ginawang 23 puntos at anim na rebounds.
Si Jackson Corpuz ay kumana ng 15 puntos habang nagtapos si Sydney Onwubere na may 14 puntos at 13 rebounds para sa Racal.

Rumatsada agad ang Hawkeyes sa pagsisimula ng laro para makontrol ang takbo ng laro at mahablot ang dulo sa dulo na pagwawagi laban sa Tile Masters na nahirapang maikasa ang opensa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending