‘Bubog’ ni Arlyn Dela Cruz binigyan ng R-18 ng MTRCB dahil sobrang bayolente
WAR on drugs, mga pamilyang apektado ng droga, mga kabataang sangkot sa illegal drugs. Yan ang tema ng latest indie movie ni Direk Arlyn Dela Cruz na “Bubog.”
Mula sa Davao, live naming nakakuwentuhan si Direk Arlyn sa programang “ShowbizLive” sa Radyo Inquirer 990/Inquirer TV last Wednesday kasama ang isa sa mga host ng programa na si Ervin Santiago as we talk about her latest film na pupuntirya sa isang kontrobersyal na isyu sa bansa – ang anti-drug campaign ng pamahalaan.
Sa Davao ginanap kagabi ang Philippine premiere ng “Bubog” dahil ayon sa produksiyon, doon naman daw talaga nagsimula ang lahat. “Why Davao? Kasi dito nagsimula eh, wag na tayong magpaliguy-ligoy, di ba? So paakyat kami from Mindanao, then go kami sa Visayas, then Luzon. Hindi na kami magko-commercial screening.”
Ayon kay Direk Arlyn, ang “Bubog” ay sumesentro sa pamilya na apektado ng droga. At bakit “Bubog” ang title, una ay dahil ito raw ang isa sa tawag sa shabu, pangalawa, para itong salamin na pag nawasak na ay mahirap nang buuin gaya ng mga pamilya na winawasak ng droga.
“Umiikot ang istorya sa isang listahan, yung sinasabing drug list ni Presidente Duterte. Dito ko inikot yung istorya. Kung bakit may mga patayan,” paliwanag pa ni direk.
Ano ang magiging epekto ng movie sa war on drugs sa bansa? “Alam mo sa totoo lang R-18 yung pelikula because of the amount of violence on the film. Pero the movie, sa tanong mo kung paano ito makakatulong, yung war on drugs alisin natin yung mga kwento, the numbers na 7,000, 3,000 whatever the numbers.
“Ang bottomline, ang apektado dito ay pamilya. Bago pa magkaroon ng patayan meron ng digmaan sa loob ng pamilya dahil du’n sa pagkalulong sa droga. Dito makikita kung paano na naging normal sa pamilya ang humawak ng isang sachet ng shabu at i-justify na ito ay isang paraan para ipambuhay sa pamilya in the process na yun din pala ang wawasak sa kanila,” aniya pa.
“Ito yung paano nabulabog, kung paano sumulpot yung patayan, yung mga nakabalot sa plastic. Ipapakita dito yung pagbalot. Hindi lang yung pagpatay pati kung sino yung nagbabalot (ng mga bangkay). Sino ba sila? Sila ba yung naggi-giftwrap sa SM tapos suma-sideline lang sa gabi? Hindi natin alam. It’s part of the expose,” dagdag pa ng direktor.
Bibida sa pelikula sina Julio Diaz, Elizabeth Oropesa, Jackielou Blanco, Juan Rodrigo, Allan Paule, Karl Medina, Jak Roberto, Janice Jurado, Kiko Matos, Chanel Latorre, Raffy Reyes, Archi Adamos at marami pang iba.
Nabago ba nang husto ang istorya ng movie sa pagkakatanggal kina Baron Geisler at Ping Medina dahil sa “ihian” scandal nu’ng nagsu-shooting sila?
“Malaki ang binago ng cast pero ang istorya hindi nagbago. Dalawa lang yung pinalitan ko. It was mutual decision. Si Ping Medina pinalitan ng kapatid niya na si Karl Medina. Pumalit kay Baron si Allan Paule,” tugon ni direk.
Wala rin daw galit na nararamdaman si Direk Arlyn kay Baron pero may hiling ito, “May kurot pa noon na bakit ganito ang taong ito? It does not necessarily equate to galit. Di ba parang kahit anong ipakita mo sa kanya meron siyang ganu’n? Tapos sa recent interview sa kanya in the past seven months daw he was in character because of his book.
“Hindi ako galit sa kanya. He was just taken out of the movie because he has to go. He can’t affect the entire project because of his in character mode. Sana in character din siya na mabuti siya sa araw-araw.”
Willing pa ba siyang makatrabaho muli si Baron? “Ay marami namang artista. Unless yung pelikula is the Baron Geisler Story. Pero malamang hindi na ako ang director nu’n.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.