Duterte kay Baste: Pumasok na lang siya sa PMA para mabugbog doon! | Bandera

Duterte kay Baste: Pumasok na lang siya sa PMA para mabugbog doon!

Ervin Santiago - March 26, 2017 - 12:25 AM

rodrigo at baste duterte

ALIW na aliw ang madlang pipol sa naging pahayag ni President Rodrigo Duterte tungkol sa anak na si Baste.

Sa speech nito last Friday sa graduation ceremonies ng Philippine National Police Academy, sinabi nitong dapat daw ay pumasok na rin sa hilippine Military Academy (PMA) ang anak sa halip na sayangin ang kanyang oras sa mga walan kuwentang bagay.

“‘Yung Sebastian na wala din ginawa kung ‘di maghanap din ng babae, sana pumunta na lang ‘yan sa PMA para mabugbog doon,” sey ni Duterte.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinahiya at pinagalitan ni Duterte si Baste, kung matatandaan sinermunan na rin niya ito nang dahil kay Ellen Adarna. Hindi na raw kasi nadadalaw ni Baste ang kanyang mga anak dahil palagi raw nitong kasama si Ellen.

Bukod dito, pinagalitan din ng pangulo si Baste dahil hindi na raw ito nakakapagbigay ng financial support sa kanyang mga anak.

Sa huling panayam kay Baste, sinabi nitong favorite lang siya ng kanyang tatay kaya kung anu-ano ang sinasabi nito tungkol sa kanya. Sanay na raw siya na pinapagalitan ni Duterte.

Base naman sa mga naging reaksiyon ng netizens sa mga naging pahayag ni Digong, sana raw ay sundin ni Baste ang utos ng kanyang ama na pumasok na sa PMA dahil bagay daw siya sa nasabing academy.

Sigurado raw na marami siyang matututunan dito at mapapaligaya pa niya ang kanyang ama

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending