Vice kumontra sa death penalty kahit biktima rin ng karahasan | Bandera

Vice kumontra sa death penalty kahit biktima rin ng karahasan

Ervin Santiago - March 25, 2017 - 12:05 AM

vice ganda

KAHIT na walang awang pinatay ang kanyang tatay, hindi pa rin pabor sa death penalty ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Biktima ng karahasan ang ama ni Vice, binaril ito sa kanyang harapan noong teenager pa lang siya, pero aniya, hindi makatao ang patayin ang pumatay sa tatay niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ng mga otoridad.

“Kunwari ako, pinatay ang tatay ko, hindi makakapagbigay ng katarungan sa akin, bilang naulila, ang patayin din iyong pumatay sa tatay ko,” pahayag ni Vice sa panayam ng ABS-CBN.

“Naniniwala ako na hindi lahat ng nakakulong ay may kasalanan kaya hindi rin makatarungan kung ang mga mapapatawan ng ganoong parusa ay iyong mga wala namang kasalanan,” aniya pa.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malilimutan ng TV host-comedian ang naging experience niya noong bata nang mamatay ang kanyang tatay.

“Walang sinumang bata, walang sinumang anak ang nakaka-deserve ng ganoong bagay, ang mawalan ng magulang sa pamamagitan ng pagpatay. Kaya hindi ako naniniwala na dapat may pinapatay dahil mahalagang mahalaga iyong buhay,” esplika pa ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending