Cignal-San Beda, Café France humirit ng do-or-die semis game | Bandera

Cignal-San Beda, Café France humirit ng do-or-die semis game

Melvin Sarangay |March 23,2017
facebook
share this

Cignal-San Beda, Café France humirit ng do-or-die semis game

Melvin Sarangay - March 23, 2017 - 09:39 PM

NAKAHIRIT ang Cignal-San Beda Hawkeyes at Café France Bakers ng do-or-die game matapos manaig sa Game 2 ng kani-kanilang 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup best-of-three semifinals series Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naungusan ng Cignal-San Beda ang Tanduay Rhum Masters, 89-86, habang tinambakan ng Café France ang Racal Tile Masters, 86-75, para makapuwersa ng sudden-death Game 3 sa kanilang semis matchup na gaganapin sa darating na Martes, Marso 28, sa pareho ring venue.

Umiskor si Jason Perkins ng 15 puntos habang nag-ambag sina Robert Bolick Jr. at Ben Adamos ng tig-13 puntos para pamunuan ang Hawkeyes na itinabla ang kanilang semis series sa tig-isang panalo.

Pinangunahan ni Jaymo Eguilos ang Rhum Masters sa ginawang 18 puntos.

Inihulog naman ni Aaron Jeruta ang 10 sa kanyang 18 puntos sa ikaapat na yugto para tulungan ang Bakers na makabangon at itakas ang panalo kontra Tile Masters.

Si Rod Ebondo ay gumawa ng 25 puntos, 22 rebounds at anim na blocks para pangunahan ang Café France.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending