Lea ginagamit sa pagbebenta ng mga pekeng produkto | Bandera

Lea ginagamit sa pagbebenta ng mga pekeng produkto

Ambet Nabus - March 24, 2017 - 01:00 AM

LEA SALONGA

LEA SALONGA

DAHIL muling magbabalik sa sirkulasyon ang The Voice (Teen edition naman), maingay na naman sa social media si Lea Salonga, isa sa mga coaches ng show.

Pinatulan talaga nito ang mga fans na diumano’y nag-cause ng trauma sa anak nang minsan itong halos pilitin magpa-picture. Winner ang pagtataray ni Lea dahil nanawagan pa itong huwag namang masyadong maging super feeling ang mga fans sa mga bagay na hindi na nila dapat panghimasukan.

Then recently, may post na naman ito patungkol sa fake products kuno kung saan ginagamit ang kanyang name and face.

Ultimo nga yung super luma nang isyu sa pagbabalik-tambalan nila ni Aga Muhlach ay nabubuhay nang dahil dito.

Hmmmm, just wondering kung anong pakulo naman ang gagawin ng ibang coaches like Megastar Sharon Cuneta at Bamboo dahil kung si Sarah Geronimo ang tatanungin, she’s very much in sa mga panahong ito.

Ay, meron nga palang bagong isyu kay Bamboo ngayon. Na kesyo hindi na raw nito pinapansin ang dati niyang mga kabanda? Totoo ba ito, birthday boy?

Hala, hanggang hindi pa nagsisimula ang The Voice Teens, let’s expect na marami pang isyung lalabas tungkol sa kanila!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending