Kuripot ang amo (2) | Bandera

Kuripot ang amo (2)

Joseph Greenfield - March 22, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Ellen ng Talaba, Bacoor, Cavite
Problema:
1. Namamasukan po akong katulong. Ang problema po ay kuripot ang aking Chinese na amo at napakaliit magpasuweldo. Noong una ay maganda ang pakikitungo sa akin pero nang tumagal ay bukod sa masungit ay napakaliit pang magpasuweldo. Balak ko na tuloy na umalis sa kanya.
2. All-around po kasi ang trabaho ko at walang day off. Kapag Sunday ay sa tindahan naman nila ako pinapapasok. Kung aalis ako dito may iba pa kaya akong mapapasukan kasi po wala naman akong gaanong kakilala dito sa Cavite? Ano po ba ang nakikita ninyong mangyayari sa aking kapalaran lalo na sa career at sa aking trabaho? November 28, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Ellen ng Cavite
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing lakas ng loob ang kailangan upang makaalpas ka sa kasalukuyan mong problema. Sa tulong ng isang kaibigang babae na nagtataglay ng zodiac sign na Aries makakatakas ka na sa iyong amo.

Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing ang babaeng tutulong sa iyo ay isinilang sa petsang 4, 13 o kaya’y 22. Siya ang magbibigay sa iyo ng bago at mas magandang trabaho. Maaaring ito ay bilang janitress, utility o kaya ay security guard sa isang eskuwelahan.

Luscher Color Test:
Upang suwertehin ka naman sa pag-alis na pag-alis mo sa kuripot mong amo at kahit na saang lugar ka pumunta upang lagi kang palarain, ugaliin mong magsuot lagi at gumamit ng kulay na violet at red.

Huling payo at paalala:
Ellen, ayon sa iyong kapalaran, isang babae na dati mo na ring kakilala o kaibigan ang darating at mag-aalok sa iyo ng tulong upang makatakas ka na sa kasalukuyan mong amo. Wala kang dapat gawin kundi sumunod sa mga ipagagawa niya. Magaganap ito sa Abril ngayong taon. Makakatakas ka na sa kasalukuyan mong amo hanggang sa tuloy-tuloy nang magkaroon ng isang maganda at mas mataas na suweldo na trabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending