Angel: Ginawa ko ang lahat para magampanan si Darna pero hindi pa talaga kaya ng katawan! | Bandera

Angel: Ginawa ko ang lahat para magampanan si Darna pero hindi pa talaga kaya ng katawan!

Ervin Santiago - March 22, 2017 - 12:01 AM

angel locsin
GINAWA ni Angel Locsin ang lahat para sa bagong movie version sana ng “Darna” pero talagang hindi pa kakayanin ng kanyang kalusugan kaya minabuti na niyang ibigay ang napakalaking proyektong ito sa iba.

“Sinubukan po namin talaga, pero the spirit is very willing but the flesh is weak,” sabi ni Angel sa panayam ng ABS-CBN matapos ngang maglabas ng official statement ang Kapamilya Network na hindi na magagampanan ni Angel ang iconic Pinay superhero.

Paliwanag pa ni Angel, “Ayaw kong isipin ng tao na hindi ko sinubukan o di sinubukan ng ABS-CBN.”

Kung matatandaan, ilang beses bumalik si Angel sa Singapore para sa operasyon at therapy ng kanyang spine dahil sa kanyang disc bulge, ang dahilan kung bakit unang inanunsiyo ng aktres at ng ABS-CBN na hindi na niya magagampanan ang role na Darna.

Noong October, 2015 unang nag-announce ang ABS-CBN at Star Cinema na hindi na gagawin ni Angel ang “Darna” dahil nga sa kundisyon ng kanyang likod. Ngunit noong nakaraang taon, lumabas ang balita na si Angel pa rin ang gaganap na Pinay superhero at nagti-training na uli ito para sa mga maaaksiyong eksenang gagawin niya sa pelikula.

Sa isang panayam, kinumpirma na ni Angel na balik-training na nga siya para sa “Darna”, aniya, “Gusto kong magawa siya kasi parang ang daming umaasa. Ayaw kong maka-disappoint kahit alam ko na inilalagay ko na ang sarili ko sa risk.”

Pahayag pa ng aktres sa interview ng ABS-CBN, “Actually, hindi ako nag-report. Nalaman na lang nila kasi nakatutok ang ABS-CBN sa training. Na-report ng coach ko na nakaramdam ako ng pain ulit.

“Sinabihan na ako ng ABS-CBN, ‘O, pinipilit mo na naman. Masyado mong pinipilit, baka kailangang pag-usapan yung safety mo talaga.’ Sinabihan ako ng doctor ko na hindi ako bibigyan ng clearance kapag nakaramdam ako ng pain,” sey pa ng dalaga.

Ngunit kahit nawala kay Angel ang bonggang project na ito, magiging busy pa rin siya sa mga susunod na buwan dahil nakalinya na ang teleserye at mga pelikulang gagawin niya.

“Sa mga nagtataka kung ano ang nangyayari, kasi five years in the making, baka iniisip nila na tamad lang ako or may itinatago kami. Nagte-training kasi ako for Darna, pero dahil hindi na matutuloy yung project na ‘yon para sa akin, may mga ibinigay ang ABS-CBN na very exciting na bagong projects,” mensahe ni Angel sa kanyang mga tagasuporta.

Bukod sa special appearance ni Angel at John Lloyd Cruz sa La Luna Sangre nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, gagawa rin ng pelikula ang aktres kasama si Coco Martin at isa pang movie with James Reid. May hinahanda na ring bagong teleserye ang ABS-CBN para sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending