DLSU Lady Spikers nakaganti sa UP Lady Maroons | Bandera

DLSU Lady Spikers nakaganti sa UP Lady Maroons

Angelito Oredo - March 19, 2017 - 10:13 PM

Mga Laro sa Miyerkules
(Filoil Flying V Centre)
8 a.m. UE vs FEU (men)
10 a.m. Ateneo vs Adamson (men)
2 p.m. UP vs Adamson (women)
4 p.m. Ateneo vs NU (women)

NAIPAGHIGANTI ng nagtatanggol na kampeong De La Salle University Lady Spikers ang isa sa dalawang nalasap na kabiguan matapos na biguin ang University of the Philippines Lady Maroons sa tatlong set, 27-25, 25-11, 25-17, sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament Linggo sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Tanging sa unang set lamang naging mahigpit ang laban kung saan nagawang pigilin ng Lady Spikers ang dalawang set points mula sa Lady Maroons bago tuluyang dinomina ang ikalawa at ikatlong set tungo sa ikawalong panalo sa loob ng sampung laro.

Pinamunuan ni Majoy Baron ang Lady Spikers sa itinalang 16 puntos mula sa 7 spikes, 3 blocks at 6 service aces upang makaganti sa nalasap nitong pinakaunang kabiguan sa torneo kontra Lady Maroons na nahulog naman sa ikalimang puwesto sa bitbit na 5-5 kartada.

Kinailangan naman ng National University Lady Bulldogs na pigilan ang University of the East Lady Warriors bago naitakas ang apat na set na panalo, 25-15, 25-21, 22-25, 25-21, upang lalo pa nitong patatagin ang pagkapit sa puwesto sa semifinals sa bitbit na 6-4 panalo-talong kartada.

Nagtala si Jaja Santiago ng kabuuang 23 puntos mula sa 20 spikes habang nag-ambag sina Risa Sato sa Jorelle Singh ng tig-10 puntos upang ihulog ang UE Red Warriors sa ikasiyam nitong kabiguan sa loob ng 10 laro.

Samantala, nakamit ng NU Bulldogs ang ikaapat nitong sunod na  pagtuntong sa Final Four matapos na talunin ang Far Eastern University Tamaraws sa loob ng tatlong set, 25-21, 25-23, 26-24.

Napanatili naman ng DLSU Green Spikers ang tsansa nitong makaagaw ng silya sa semifinals matapos na tuluyang patalsikin ang Adamson University Soaring Falcons sa loob ng apat na set, 27-29, 25-22, 25-21, 25-18.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending