Rain or Shine Elasto Painters dinaig ang Mahindra Floodbuster sa overtime | Bandera

Rain or Shine Elasto Painters dinaig ang Mahindra Floodbuster sa overtime

Melvin Sarangay - , March 19, 2017 - 10:00 PM

 Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. NLEX vs Mahindra
7 p.m. Meralco vs TNT KaTropa

KINAILANGANG kumawala ng Rain or Shine Elasto Painters mula sa dikitang laban para itakas ang 99-95 overtime win kontra Mahindra Floodbuster at iuwi ang ikalawang sunod na panalo sa 2017 PBA Commissioner’s Cup Linggo sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Pinamunuan ni Shawn Taggart ang Elasto Painters sa ginawang 29 puntos, 10 rebounds, 4 assists at 2 blocks.

Ang pinakamahalagang play sa laro ni Taggart ay ang pasa nito kay Jeff Chan na naghulog ng krusyal na 3-pointer may 1:38 ang nalalabi sa laro para itulak ang kalamangan ng Rain or Shine sa apat na puntos, 97-93, sa overtime.

“He tries to get other players involved, but we told him we know he can score. It’s a nice thing in the end, though he was scoring and he was able to find Jeff Chan in the corner,” sabi ni Rain or Shine head coach Caloy Garcia, na ipinagdiwang ang ika-42 kaarawan sa pamamagitan ng panalo.

Nag-ambag si Beau Belga ng 12 puntos at 10 rebounds habang si James Yap ay may 12 puntos at si Jeff Chan ay nagdagdag ng 10 puntos para sa Rain or Shine.

Pinangunahan ni James White ang Floodbuster sa itinalang 29 puntos at 21 rebounds.

Si Gary David ay gumawa naman ng 13 puntos habang sina Pedrito Galanza at Reden Celda ay nagdagdag ng tig-10 puntos para sa Mahindra.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending