Karera ng impeachment lumarga na | Bandera

Karera ng impeachment lumarga na

Jake Maderazo - March 20, 2017 - 12:05 AM

NAGMAMADALI talaga ang mga pulitikong tanggalin sa pwesto sina Presidente Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.
Ang unang reklamo ay isinampa ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano nang lumabag daw sa Konstitusyon si Digong dahil sa war on drugs, Davao Death Squad at P2.2 bilyong hidden wealth.
Si Digong daw ang may kagagawan ng 7,000 extrajudicial killings sa ilalim ng war on drugs. Si Digong daw ang nag-utos sa DDS na pumatay ng maraming tao sa Davao. Si Digong daw ay merong P2.2 bil-yong tagong yaman. Idagdag pa ang umano’y katrayduran ni Digong sa Benham Rise at pagpabor sa China, sabi ng oposis-yon.
Ayon sa mga lider ng Kamara, ibabasura ang reklamo sa House committee on justice dahil sa “lack of form and substance”. Bagay na nakita natin noong panahon nina dating Pangulong Gloria Arroyo at Pangulong Noynoy Aquino. Ni hindi maka-first base dahil sa “tyranny of numbers”.
Kung magkakaroon ng “pirma” ng 2/3 ng Kamara, ang reklamo ay aakyat agad sa Senado para sa “impeachment trial”. Tulad kay Erap noon kung saan nakuha ng oposisyon ang 80 signatures at idiniretso ni Speaker Manny Villar sa Senado.
Pero ngayon, mukhang 97 boto ang kailangan ng oposisyon dahil 292 na ang congressmen. Sa ngayon, 32 lang ang oposisyon at 260 naman sa “super majority”.
Kayat ang tanong, makuha kaya ng Magdalo at Liberal party ang dagdag na 65 votes para madala sa Senado ang “impeachment trial” ni Duterte ?
At kung matuloy, mako-convict ba ito kung 18 sa 24 na senador ay sumusuporta kay Duterte?
Sa akin, mukhang mas mauuna pa ang isasampang “impeachment case” ni House speaker Pantaleon Alvarez laban kay VP Robredo na “betrayal of public trust”.
Diumano siniraan ni VP ang sariling bansa, Malakanyang at PNP sa United Nations Commission on Narcotics and Drugs.
Ang paninira ay may malaking implikasyon sa ekonomiya natin lalo’t negatibo ang reaksyon ng international community.
Bukod dito, nakiisa raw si Robredo sa oposisyon na tanggalin sa puwesto si Duterte, at siya, bilang bise presidente ang siyang unang makikinabang.
Sabi naman ni Robredo, hindi niya nakikita kung ano ang basehan ng bantang impeachment complaint ni Speaker Alvarez. Ayon sa Liberal Party, walang basehan at orchestrated ang mga bantang impeachment kay Robredo.
Pero, mukhang mas totoo ang sabi ni Senate President Koko Pimentel na mas magiging mabilis ang impeachment kay Robredo kaysa kay Digong. Kaila-ngan lang ng 100 kongresista sa 260 super majority ang pumirma sa “Robredo impeachment complaint” at ikakasa na ang “trial” sa Senado.
Hindi ako magtataka na sa pagbabalik ng Kongreso sa Mayo 2, lalarga na ang dalawang impeachment complaint. Iyong kay Duterte ay ililibing sa House Committee on Justice pero iyong kay Robredo ay malamang na aakyat sa Senate impeachment court sandaling lagdaan ng 97 o 100 miyembro ng super majority ang complaint laban sa kanya.
At kung matanggal si Robredo, sino sa mga Senador ang pipiliin ni Duterte bilang bagong Vice President? Naalala niyo ba si PGMA noon na pinili si Sen. Teofisto Guingona bilang VP matapos masibak si Erap?
Ngayon, sino ang susunod na VP? Si Koko Pimentel o Alan Peter Cayetano?
Gulat kayo?
Abangan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending