JENNYLYN halos hubot hubad sa bagong cover ng FHM, di nahiya kay LUIS at sa ANAK | Bandera

JENNYLYN halos hubot hubad sa bagong cover ng FHM, di nahiya kay LUIS at sa ANAK

Ervin Santiago - June 05, 2013 - 06:32 AM

WALANG nakikitang problema si Jennylyn Mercado kung mag-pose uli siya ng halos hubo’t hubad na sa FHM. Hindi rin daw siya affected sa mga masasamang sasabihin ng mga tao laban sa kanya.

Sey ng Kapuso actress, kahit daw lumalaki na ang anak nila ni Patrick Garcia na si Alex Jazz ay hindi siya mahihiyang ibuyangyang sa buong mundo ang kanyang katawan.

Actually, ito na ang ikatlong pagpo-pose ni Jennylyn sa FHM kung saan muli niyang pinatunayan ang kanyang pagiging hot mama!

“Basta observed pa rin yung limitations ko. Kasi lalo na ngayon may baby na ako. Maganda naman yung kinalabasan. I’m so happy,” chika ng aktres.

Mas palaban daw na Jennylyn Mercado ang makikita sa June issue ng FHM, “Now I can say na parang medyo fit na naman ako at naaalagaan ko na naman ang body ko, so I guess heto na yung tamang oras para ma-i-share ko naman sa mga tao. Ha-hahaha!”

E, paano kung makita ni Alex Jazz ang kanyang mga hubad na larawan, “Siguro sasabihin ko na lang sa kanya, ‘Kailangan hindi mo pabayaan ang sarili mo especially pag tumatanda ka na.

Kailangan pa rin nating maging fit. Tingnan mo si mommy, nakakapagcover pa rin, may baby na.’ Ha-hahahaha!”

In fairness, talagang nagmumura ang kaseksihan ngayon ng girlfriend ni Luis Manzano, kaya naman natanong si Jen kung hindi ba inaatake ng selos ang TV host-actor, “Cool na cool na tao si Luis, wala akong masasabi sa kanya pagdating sa trabaho at sa mga bagay na gustong kong gawin, basta nakasuporta lang lagi ‘yun sa mga projects ko. Tsaka nagkakaintindihan na kami tungkol sa mga ganitong issue.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending