Nora umapir sa ‘Eat Bulaga’ para asarin si Vice at Ang It’s Showtime | Bandera

Nora umapir sa ‘Eat Bulaga’ para asarin si Vice at Ang It’s Showtime

Ambet Nabus - March 15, 2017 - 12:20 AM

NORA AUNOR AT VICE GANDA

NORA AUNOR AT VICE GANDA

HINDI na-perfect ng ABS-CBN ang bonggang production na sana ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Sa week-long grand finals pa lang kasi ng nasabing talent search ay medyo sablay na ang sari-saring gimik na ipinauso nila na pilit na lang sinakyan ng mga walang magawang manonood, lalo na yung mga gumastos sa text votes para sa mga sinusuportahan nilang TNT finalists.

Siyempre, kailangan pa ring kumita ng show kahit pa sandamakmak na ang sponsors nila at kay lalaki ng papremyo.

Hindi nga lang namin alam kung ilang milyong text votes ang na-generate ng paulit-ulit nilang pagpapa-text sa madlang pipol sa kabuuan ng grand finals week hanggang sa final 6 up to final 3 na may back-to-zero round pa. Sabi nga ng isang viewer, nakakaumay ang format sa grand finals!

But it was of course, a toprater and world trending one kaya’t sure rin kaming kinabog nito nang husto ang Eat Bulaga.

And among those little things na pinabayaan ng production ng Showtime ay ang paglalagay ng mali-maling lyrics ng mga kanta sa screen habang inaawit ng grand finalists. Kami talaga ang nahihiya sa mga wrong spelling at mali-maling lyrics ng songs. Nakakalokah!

Kung du’n pa lang ay palpak na, paano nga nilang masisigurong tama rin ang mga “inner ears” ng napaka-OA na mga huradong kulang na lang ay unahan ang pag-aanunsyo ng winners bago pa man mag-text ang mga tao?

Sa totoo lang, lagi nilang sinasabing irespeto ang desisyon ng mga hurado, pero parang hindi ‘yun sumasakto sa mga kilos at gawi ng iba na kung umasta ay mga feeling world-class at grand champions” ng mga international singing competition. Nakakainis lang. Ha-hahaha!

Pero kakampi nila kami sa tila pang-aasar naman ni Nora Aunor sa Showtime! We reported here na uupong hurado ang pinakasikat na champion ng original na singing Tawag Ng Tanghalan pero bigla itong nag-back out. At ang hindi magandang ginawa nito, sa katapat na Eat Bulaga ito nagpunta at naglaro sa isang portion doon.

Ang tsika, yung lumang isyu nila ni Vice Ganda ang sanhi ng pag-backout ni Ate Guy. Good thing, hindi na pinatulan ni Vice ang isyu dahil marami siyang supporters na kumuyog sa Superstar.

Sa ganang amin, mali ang ginawa ni Ate Guy. Halatang bitter ito at mapagtanim ng sama ng loob. Ang Eat Bulaga naman ay oportunista ring matatawag at mapagsamantala sa sitwasyon, para ano? Mang-inis o mang-urot?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaming mga manonood ay nagtitiyaga at naglalaan ng oras, nagbabayad ng kunsumo ng kuryente at naeengganyo sa mga bahagi ng palabas ninyo. We deserve honesty, truth and respect sa paghahanap namin ng fun and wholesome show.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending