PATAY ang apat na pinaghihinalaang magnanakaw matapos makipagbarilan sa mga pulis sa bayan ng Guimba, Nueva Ecija, kahapon.
Nanlaban sina Ronald at Dodie Fermin, Freddie Villanueva, at isa pang hindi nakikilalang lalaki sa mga pulis matapos patigilin ng mga pulis sa isang checkpoint sa Barangay Tampac 1 ganap na alas-1:30 ng umaga.
Sakay ang mga suspek ng dalawang motorsiklo nang sila ay magpaputok sa mga pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending