Tanggalin si Digong, tanggalin si Robredo!
HALOS 300 araw matapos umupo si Pangulong Rodrigo Duterte, kitang-kita ang pagmamadali ng mga lider ng administrasyon at oposisyon para pabagsakin ang bawat isa.
Kaso sa International Criminal Court (ICC) ang inihahanda laban kay Pangulong Duterte sa anila’y “crimes against humanity”, “extrajudicial killing” na ang mga testigo ay sina PO3 Arturo Lascañas, Edgar Matobato at apat pang miyembro ng Davao Death Squad. Bukod diyan ang posibleng paghaharap ng impeachment versus Duterte sa Kamara at Senado na panukala ni Sen. Antonio Trillanes.
Magugunita na bago mag-anibersaryo ng Edsa noong Pebrero, may mga ugong ng destabi-lisasyon kung saan naunahan at nasibak sa “super majority” ng Senado ang pitong Liberal Party senators at nakulong pa si Sen. Leila de Lima. Sa lahat ng ito, ang dulo nang pagtanggal kay Duterte ay ang pagpalit ni Vice President Leni Robredo.
Nagmamadali rin ang Duterte administration sa paghahalungkat ng mga anomalya ng Tuwid na daan. Una riyan ang drug connections na sinimulan kay De Lima at konektado kina Gen. Marcelo Garbo at sa nakaraang eleksyon.
Ang pagbubukas muli ng kaso vs. former President Noynoy Aquino sa Mamasapano incident at ang malaking anomalya sa Pagcor na nasa ilalim ng Office of the President. Nariyan din ang bubuksan mu-ling imbestigasyon sa DAP.
Meron ding pagrerebisa ang Solgen sa “pre-sidential amnesty” na ibinigay ni PNoy kay Sen. Trillanes noon kung saan lumabag daw ito ngayon sa kundisyon ng amnestiya kayat pwede itong ibalik agad sa kulungan.
Nagmamadali rin si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa pag-abswelto kay PNoy sa dalawang malalaking kaso. Una sa Mama-sapano incident at pa-ngalawa sa maanomalyang DAP na idineklarang ilegal ng Korte Suprema. “Simple misconduct” lang at 3-month salary fine ang ipinataw ni Carpio kay dating Budget Sec. Butch Abad na arkitekto ng DAP.
Maging sa pwesto ng Bise Presidente, nagmamadali rin ang Presidential Electoral Tribunal (PET) upang resolbahin ang protesta ni Bongbong Marcos sa 263,473 kalamangan ni Robredo noong eleksyon. Ayon sa kampo ni Bongbong dapat balewalain ang may higit 1 milyong boto sa Lanao Del Sur, Basilan at Maguindanao dahil sa dayaan. Ibig sabihin, hindi buong bansa ang protesta kundi doon lamang sa tatlong lugar.
Sa ngayon, hindi pa nangyayari ang “preli-minary conference’ ng SC/PET dahil nagsampa ng Motion for Reconsi-deration ang kampo ni Robredo na nagpa-delay sa protesta.
Pero, meron nang dalawang bagong Duterte appointees sa Korte Suprema o PET — Sina Associate Justices Noel Tijam at Samuel Martires na kulay Marcos umano — kayat aabangan natin ang mangyayari rito.
Habang tumatagal, sumisikip ang mundo ng mga taga-Liberal Party sa mga darating na kaso mula sa Duterte admi-nistration. Nagsama-sama ang mga napahirapang mga kampo nina PGMA at Erap Estrada sa kanilang pag-resbak naman sa mga lider ng Tuwid na daan.
Pero, si Trillanes na sa 2019 pa ga-graduate sa Senado ay nagdududang aabot si Duterte ng 2019 dahil anya, mara-ming pwedeng mangyari.
Kaya naman, ang umiiral ngayon, unahan, karera ng tanggalan, karera ng sampahan ng kanya-kanyang kaso. Matira-matibay.
At sana naman, huwag kalimutan ng mga pulitikong ito na tuloy lang at mas maganda dapat ang serbisyo palagi sa sambayanang Pilipino.
Dahil sa totoo lang, pawis at dugo ng buwis ng mamamayan ang kanilang inuubos dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.