P1,000 dagdag benepisyo para sa buwan ng Pebrero, inilabas na ng SSS
INILABAS na ng Social Security System (SSS) ang karagdagang P1,000 benepisyo sa mga pensyonado para sa buwan ng Pebrero na maaari nang i-withdraw kahapon, Marso 10.
Mahigit 2 milyong pensyonado ang makikinabang sa mahigipit P2.07 bilyon na inilabas para sa buwan ng Pebrero.
Ang karagdagang P1,000 benepsiyo para sa buwan ng Pebrero 2017 ay naideposito na sa kanilang mga bank accounts.
Inilabas ng SSS noong nakaraang Biyernes ang halos P2.04 bilyon sa mga pensyonado para sa buwan ng Enero.
Inanunsyo ng SSS na may may hiwalay na petsa para mai-withdraw ang P1,000 dagdag benepisyo para sa mga pensyonadong ispesyal ang kaso.
Simula sa Abril, lahat ng regular na pensyonado ay makatatanggap na ng updated na pensyon. Ibig sabihin ay awtomatiko nang madaragdagan P1,000 ang kanilang buwanang pensyon,
Para sa mga tanong at paglilinaw, ang mga pensyonado ay maaaring tumawag sa SSS hotline sa numerong 920-6446 hanggang 55 o mag-email sa member_relations @sss. gov.ph.
President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc
Social Security System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.mission (ECC)
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.