Sofia Andres fresh na fresh; Albie Casino hubad kung hubad
AYAW magbigay ng figures ang producers ng Regal Entertainment na sina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo kung magkano ang kinita sa first day ng horror film na “Pwera Usog” nina Sofia Andres, Albie Casino, Devon Seron, Kiko Estrada, Cherise Castro at Joseph Marco sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.
Sabi sa amin ng isang taga-Regal, “Doing good”. Ibig sabihin maganda ang resulta nito sa takilya dahil kilala naman namin ang mag-inang Monteverde na kapag tahimik lang ay hindi maganda ang kinita ng pelikula.
Maayos naman kasi ang pagkakadirek ng “Pwera Usog” ni direk Paul kaya nga nakakuha ito ng Grade A sa Cinema Evaluation Board. Nabigyan din ng millennial treatment ang matandang pamahiin na “pwera usog”, ang salitang ginagamit kapag nababati ang isang tao ng mga masasamang elemento o ng kapwa tao mismo.
Hinaluan ni direk Jason ng katatawanan ang pelikula para naman makahinga ang manonood sa mga gulat scenes nito dahil kung hindi baka tuluyan nang atakihin sa puso ang audience.
Naaliw kami kay Aiko Melendez bilang albularyo dahil kitang-kita na naka-gel nail-polish siya. Ha-hahaha! Ito na pala ang millennial manggagamot ngayon bossing Ervin!
Halos lahat naman ay napa-yuck sa isang eksena kung saan ipinakita ni Aiko ang isang garapong dura na inipon daw niya at Nanay Magda niya sa kuwento na ginagamit nila para mapagaling ang taong nausog. In fairness, nakakatawa ang scene na yun.
Hindi rin nagpatalbog si Eula Valdez na effective rin pala sa horror. Nasusunog na nga siya ay talagang acting na acting pa rin.
Nag-enjoy naman ang mga kababaihan at mga beki sa magandang katawan ni Albie sa movie dahil talagang naghubad ito sa pelikula samantalang sexy naman ang dating ni Cherise. Samantalang sina Kiko at Joseph ay konserbatibo dahil hindi man lang nagpatakam ng kanilang abs.
Tiyak na matutuwa si Diego Loyzaga sa mga papuri ng viewers kay Sofia Andres, ang ganda-ganda raw kasi ng dalaga sa big screen at fresh na fresh.
Anyway, inamin ni Sofia na panonoorin niya ulit ang “Pwera Usog” kasama si Diego at mga kaibigan na hindi nakasama sa celebrity screening nito noong Martes sa Promenade Cinema 3, Greenhills.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.