Gustong maka-jackpot sa Lotto | Bandera

Gustong maka-jackpot sa Lotto

Joseph Greenfield - March 11, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Marisol ng Bulak, Gapan, Nueva Ecija
Dear Sir Greenfield,

Mula nang mawalan ng trabaho ang mister ko habang ako naman ay naglalabandera lang, nagsimula nang maghirap ang aming pamilya.
Upang makaraos at mapag-aral ang apat kong mga anak, nangungutang kami kaya sa ngayon baon na kami sa utang. Sa nga-yon, umaasa na lang kami sa pagtaya-taya sa lotto na isang araw ay baka maka-sapol kami ng jackpot at ito ang maging daan
upang makaahon kami sa kahirapan. Sa palagay n’yo may pag-asa pa kayang tumama ng jackpot ang mga numerong inaalagaan ko? At itatanong ko na rin sana kung makapag-aabroad ba ang panganay kong anak na tapos ng kursong seaman? Matagal na rin siyang nag-aaplay sa barko pero walang nangyayari. April 28, 1990 ang birthday ng anak kong panganay at December 13, 1971 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Marisol ng Nueva Ecija
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Guhit ng Biglang Suwerte (Illustration 1-1 arrow 2.) sa i-yong palad. Ibig sabihin basta’t magtiyag-tiyaga ka lang sa katataya at dagdag na paniniwala sa iyong sarili na ikaw ay tatama, tiyak ang magaganap darating din ang saktong panahong makakasapol ka ng jackpot.
Cartomancy:
Seven of Diamonds, Nine of Hearts at Ace of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.).Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2017, magkakaroon ng kakaibang suwerte sa inyong pamilya, kung saan, ang panganay mong anak ay biglang makapag-aabroad, na magdudulot ng isang mabiyaya at mabungang pangingibang bansa.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending