Kontribusyon sa PhilHealth ituloy lang | Bandera

Kontribusyon sa PhilHealth ituloy lang

Liza Soriano - March 10, 2017 - 12:10 AM

MAGANDANG araw po sa aksyon line may 2 taon na rin akong nag resign sa trabaho pero last year lamang ako nag voluntary contributions. Ang tanda ko ay hanggang mid of last year ang huli kung paghuhulog. Ask ko lang kung pwede ko pa po bang ituloy ang paghuhulog at dapat ko po bang bayaran yung mga hindi ko nabayaran at itatanong ko na rin po kailangan kasi akong magpa endoscopy uli pwede ko po bang magamit ang philhealth ko o kailangan ko munang bayaran ang lahat ng pagkakautang ko. sana po ay matulungan ninyo ako. sayang din po ang mababawas kapag nagpa undergo uli ako ng endoscopy. umaasa po ako sa agadang kasagutan ng philhelth sa aking katanungan sa pamamagitan ng inyong column na aksyon line.

Maraming salamat po
Clarita Loreto
Brgy Buhay Na tubig, Pag-asa Bacoor Cavite
REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth! Nais po naming ipabatid na maaari po ninyong ipagpatuloy ang pagbabayad ng inyong kontribusyon bilang isang Informal Economy member (Individually Paying member). Ngunit ang mga nakalipas na buwan ay hindi na po mababayaran.

Premium requirements

Ang mga Member sa Informal Economy (Individually Paying) na kumikita ng P25,000 kada buwan o mas mababa pa ay magbabayad ng P 200 monthly, P 600 quarterly o P2,400 kada taon, samantalang kung kumikita ng mataas sa P25,000 ay magbabayad ng P 300 monthly, P900 quarterly o P3,600 kada taon. Premium contributions ay maaaring bayaran monthly, quarterly, semi-annually o annually.

Para sa monthly payment, ang premium contributions ay maaari lamang bayaran sa mga PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO).

Nais po naming ipaalala na maaari po kayong magbayad ng inyong premium contributions sa mga Accredited Collecting Agents (ACAs). Para sa kumpletong listahan ng ACAs, pakisundan ang link: https://www.philhealth.gov.ph/partners/collecting/.

Narito po ang mga kondisyon para ma-avail ang benepisyo:
Kailangan may kaukulang kontribusyon ang principal member (kinakailangan po na ang miyembro ay may tatlong (3) buwang kontribusyon sa loob ng anim (6) na buwan bago ang confinement/availment);
Kailangan PhilHealth-accredited ang ospital at duktor; at
Hindi pa nauubos ang 45-day benefit limit ng miyembro o ang 45-day benefit limit na paghahatian ng kwalipikadong dependent sa isang taon.

For other concerns and further queries, you may e-mail us again or call our action center hotline at 441-7442.
For more information and other updates, please visit our website at www.philhealth.gov.ph
Thank you.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
amv

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.mission(ECC)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending