Mocha bumuwelta; mga trolls, VP Leni tinira | Bandera

Mocha bumuwelta; mga trolls, VP Leni tinira

Djan Magbanua - March 09, 2017 - 05:11 PM

ISANG galit na Mocha Uson ang humarap sa mga netizens sa pagsuspinde ng kanyang Twitter account. Nag-live video siya sa kanyang Facebook account kungsaan kinausap niya ang kanyang mga supporters and followers. Aniya, na-threaten daw ang ang mga tinatawag nyang ‘yellow tae trolls’ sa kanya at kanyang mga supporters. “Hello mga Ka-DDS masaya kanina sa Twitter no? Dahil nagkaroon tayo ng Twitter party. Sobrang successful kaya salamat po sa mga ka-DDS na dumalo sa DDS Twitter party. Ngayon po suspended yung Twitter account po yun. Kanina lang at dahil nga minass report. “Mass reported. Bakit nga minass report ng mga yellow tae troll? Kasi in 24 hours po umabot ng 947, 950.  Ibig sabihin almost 1 million na tao ang naabot ng ating pagtu-tweet. Tapos po in one day po nadagdagan ako ng fifteen thousand followers.” “Ang nangyari na-threaten po ang mga yellow tae trolls, yung mga trolls ni Leni. O anong ginawa? Minass report ang Mocha Uson.” Dahil dito hinikayat niya na magtweet ang mga supporters nya ng #RestoreMochaUsonTwitter. “Kasi tong mga yellow tae trolls na to nagulantang po sila noong nasa Twitter tayo.” Pansamantala muna nyang ginamit ang Twitter account ng kanyang manager. “Hindi nila tayo kayang patahimikin basta basta, imamass report nila tayo. O diba? Kailangan lumaban tayo hindi pupuwedeng…eh pinatahimik tayo hindi na tayo lalaban?” Tinawag pa nyang pekeng vice president si Leni Robredo at inakusahan ng pagiging diktador “Nakakatawa lang po talaga kasi mabagsik, mabangis ang mga troll ni Leni sa Twitter. Alam nyo kung bakit? Siyempre, hindi na kasi sila makaporma dito sa Facebook eh. So ngayon ang ginawa natin, halika mga ka-DDS try natin yung Twitter.” “Kahapon kagabi nagtwitter party. Libo libong mga ka-DDS ang sumali, dumalo sa Twitter party na yun. Ang problema sinabotahe ng mga dilaw. Sinabayan ng kung anong hashtag at pinalabas pa yung mga alam mo na yung mga hubad kong larawan. Pero hindi ibig sabihin titigil tayo. Hindi ibig sabihin pinatahimik tayo sa Twitter ano suko na lang tayo.” “We will not give up without a fight. Ika nga ni fake VP Leni, they cannot silence us. Sino ngayon ang diktador ha maam Leni? Ang gagaling ng mga trolls nyo eh no. Suspended agad wala pang dalawang araw.” Sa ngayon ay makikita nang muli ang Twitter account ni Mocha.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending