Male singer kung kailan tumanda saka natutong mag-inarte
KUNG totoo ang mga impormasyong nakarating sa aming source tungkol sa isang nagkakaedad nang male singer ay parang nakakalungkot naman. Kung kailan siya tumanda ay saka pa lumutang ang mga kuwentong hindi kagandahan sa kanyang imahe.
Nu’ng mga unang pagkakataon kuno ay walang naging problema ang produksiyon sa male singer, pero nu’ng magtagal-tagal na ay unti-unti na ring napapansin ng staff ng TV show ang pagiging maangas niya, pilosopo rin pala ang male singer na ito.
Kuwento ng aming source, “Ewan kung part na ng pagkakaedad niya ang mga nangyayari ngayon. Dati naman kasi, eh, napakadali niyang kausap. Hindi siya maarte, madali siyang kunin sa mga shows.
“Saka walang problema sa kanya, hindi mo siya kailangang asikasuhin, tahimik lang siya, walang kaartehan sa katawan. Ikaw pa nga ang mahihiya sa kanya dahil wala siyang hinihinging kahit ano. Basta, cool na cool lang siya palagi,” simula ng aming impormante.
Pero ngayon ay may mga kuwento na ngang hindi kagandahan tungkol sa male singer na ang dami-daming pinasikat na kanta. Sobrang dami, talagang magaling siya, kinakagat ng mga kababayan natin ang kanyang mga piyesa.
“Di ba, naging regular siya sa isang TV show? Marami naman sila, mabuti nga at ganu’n, dahil madalas pala siyang late. E, hindi naman siya puwedeng hintayin, di ba?
“May oras ang pagsalang nila, kailangang nandu’n sila on time, pero palagi ngang late siyang dumarating. Ang palagi niyang sinisisi, e, traffic.
“E, bakit naman ang mga kasamahan niya, dumarating sa tamang oras? Marami siyang dahilan, hindi siya tumatanggap ng pagkakamali, kung anu-ano ang ikinakatwiran niya.
“‘Yun kaya ang dahilan kung bakit hindi sila magkasundo ng isang male singer din na kasama niya sa isang grupo? Maangas na nga ba ang napakasimpleng male singer na ito nu’n?
“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilala n’yo kung sino ang male singer na ito. Pangako sa inyo, kilalang-kilala n’yo siya,” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.