INDIANAPOLIS — Pinatumbang muli ng Indiana Pacers ang Miami Heat matapos itala ang 91-77 pagwawagi kahapon at makapuwersa ng Game 7 sa kanilang NBA Eastern Conference finals series at buhayin ang kanilang pag-asa na makapasok sa NBA Finals.
Si Roy Hibbert ang muling nanguna para sa Indiana sa itinalang 24 puntos at 11 rebounds maliban pa sa pagdepensa laban sa mga tira ng Miami sa loob para tulungan ang Pacers na makaiwas na mapatalsik.
Si Paul George ay nag-ambag naman ng 28 puntos, walong rebounds at limang assists para sa Pacers na nalimita ang Heat sa 36.1 percent shooting at makahirit ng Game 7 decider pabalik sa Miami.
“Myself and David (West), we throw ourselves in the fray, in the paint. We like to muck it up,” sabi ni Hibbert. “Paul and myself, we wanted to make sure we got this for him as well. We didn’t want this to be our last game.”
Matapos na mapanalunan ang kanilang unang division crown sa loob ng siyam na taon, ang Pacers ay isang panalo na lamang para makausad sa NBA Finals sa ikalawang pagkakataon sa kasaysayan ng prangkisa. Natalo sila sa Los Angeles Lakers, 4-2, noong 2000 NBA Finals. Hindi rin sila nakapaglaro sa isang krusyal na ikapitong laro sa conference finals magmula nang matalo sa Chicago Bulls noong 1998.
At ang nakakagulat dito ay nagawa nila ito ngayon laban sa defending NBA champions na kinukunsidera na mahirap talunin matapos magwagi ng 27 diretsong laro noong regular season at nagtapos na may franchise-record na 66 panalo at nagwagi sa 23 sa huling 24 road games bago natalo sa Games 4 at 6 sa Indianapolis.
At naitulak din ng Pacers si four-time MVP LeBron James at ang kanyang high-scoring, high-profile teammates sa bingit ng eliminasyon sa pagbangon nila at ang Game 6 ay nasa pareho ring sitwasyon. Nakakuha ang Pacers ng 53-33 rebounding advantage, na-outscore ang Miami, 44-22, sa paint at nalimita ang mga shooters ng Miami sa 16 of 54, 29.6 porsiyento, sa loob ng arc.
Si James ang namuno sa Heat sa itinalang 29 puntos mula sa 10-of-21 shooting. Wala namang nakaiskor ng higit sa 10 puntos sa kanyang mga kakampi.
“Roy Hibbert is making extraordinary plays in the pocket, poise in the pocket we call it,” sabi ni Indiana coach Frank Vogel. “He’s getting paint catches and just having great poise, great reads. He’s not plowing over guys. He had a charge in Game 5, but has been under control.”
Nahirapan din ang Heat sa pagsisimula ng laro kung saan tumira lamang sila ng 3 of 22 sa loob ng 3-point line. Ang Big Three ng Miami na sina James, Dwyane Wade at Chris Bosh ay nakapagbuslo lamang ng 14 of 40 field goals. Maliban kay James, ang Miami ay nakagawa lamang ng 16 baskets — walong 3s at walong 2s.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.