Plastik na female star tumutulong lang pag may camera
BONGGANG-BONGGA na ang lifestyle ngayon ng isang female personality. Biglang nagbago ang takbo ng kanyang mundo nang sumikat ang isa niyang kadugo.
Ang female personality na dati’y katok nang katok sa bahay ng kanyang mga kaibigan para mangutang ay siya nang nakatutulong ngayon sa kanyang mga kamag-anak.
Pero selektibo kuno ang paraan ng pagtulong ng babaeng personalidad, may halong pagpapasikat, kung kailan maraming tao sa paligid o may nakatutok na camera ay ‘yun ang sinasamantala niyang pagkakataon.
“Ay, mapagmaganda ang babaeng ‘yun! Kapag may mga tao sa paligid, e, madali siyang hingan ng tulong, pero kapag wala, nganga ka sa kahihintay!
“Nu’ng umuwi nga siya sa probinsiya nila, e, ganu’n din ang ginawa niya. Marami nang humihingi ng tulong sa kanya, pero deadma lang siya. Nu’ng dumami na nang dumami ang mga miron, ayun, nagbigay na siya ng tulong, kailangan pang dumami ang tao bago siya tumulong,” simulang kuwento ng aming source.
Mahirap din palang bentahan ng mga produktong hulugan ang female personality. Mahirap siyang makita, at makita man siya ng mga nagbebenta sa kanya, maraming kakiyimean ang babaeng ito.
“Naku, huwag! Marami nang nagtangka, pero pinahirapan sila sa bayaran! Maraming echos ang babaeng ‘yun, isa siyang echoserang frog! Marami siyang sinasabing kung anu-ano, para huwag lang siyang makapagbayad.
“Ask n’yo ang mga alaherang kinukunan niya, mahirap siyang singilin, pahirapan bago siya magbayad. Naku, huwag na lang!
Kung maliit lang ang puhunang pinaiikot mo, e, magbenta ka na lang sa ibang artista, huwag na sa kanya dahil maiipit ang puhunan mo!
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo siya, reynang-reyna pa nga ang tawag sa kanya ng mga sumisipsip sa kanya, di ba?
“Queen pala siya sa kakunatan? Nakakaloka siya, ha?” pagtatapos ng aming impormante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.