Hunk actor pinalayas ni utol sa bahay dahil sa malditang dyowa | Bandera

Hunk actor pinalayas ni utol sa bahay dahil sa malditang dyowa

Ambet Nabus - March 01, 2017 - 12:15 AM
BLIND ITEM MALE 0412 NAKAKABALIW naman ang tsika ng isang malapit na kaibigan ng isang sumisikat na hunk actor na diumano’y “last man” to get evicted sa sarili nilang bahay. Hindi na raw sana mag-e-emote ang hunk actor sa naging kapalaran niya sa isang kaanak na hindi na masyadong active sa showbiz, pero wala raw itong choice kundi ang magsalita – kahit sa mga very close friends nito. Feeling iniwan sa ere at ipinagpalit daw si hunk actor at mga kaanak niya sa ngayo’y pinatira na sa bahay nilang asawa ng kanyang kapatid. Mayroon umanong kasunduan ang magkapatid sa pagpapatitulo ng kanilang property bilang kapwa naman daw sila nakapag-ipon, pero mukhang hindi na raw ito mangyayari. At ang lahat ng ito ay dahil nga sa karelasyon ng kanyang kapatid, na marahil daw ay siyang nag-demand sa asawa ng mga bagay-bagay tungkol sa pagkakaroon ng privacy at pagiging “solong reyna” ng tahanan. Balitang nakitira muna sa ilang close friends niya si hunk actor dahil inaayos pa raw nito ang lilipatang condo na kanyang uupahan. Although wala naman daw away pang nagaganap, pero dahil sa pangyayari ay mistula na raw nagkaroon ng pader ang magkakaanak. All in the name of love!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending