JPE ang rebolusyonaryo | Bandera

JPE ang rebolusyonaryo

Lito Bautista - February 24, 2017 - 12:10 AM

HUWAG asahan ang kapatawaran kung patung-patong, at patuloy, ang kasalanan. Sapagkat nasa Diyos ang awa at poot, ibubuhos Niya ang galit sa makasalanan. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Sir 5:1-8; Slm 1:1-2, 4, 4, 6; Mc 9:41-50) sa ikapitong linggo ng karaniwang panhon.

Sa Ingles ay great karmic wheel. Ang karma ay di lamang kumidlat kina D5 at ilang malalaking minero. Una nang tinamaan nito (nilintian) si Digong nang patayin si Jee Ick-joo sa kampo kriminal. Parusang langit, tulad ng unang naipaliwanag natin. Hanggang ngayon ay bumubuhos pa.

Pagkalipas ng 25 taon, sa pamumuno pa man din ni Digong, kinarma ang PNP, nabulok hanggang sa umalingasaw. Wala sa hinagap nina Reynaldo Jaylo, Robert Barbers, atbp., (na di sumama sa PNP at nanatiling INP) na magkakaganito ang pulisya. Ang kasamaan ay pinandigan ng mahigit 100 pulis na di sumama sa Basilan. Handa nang masibak ang mga tiwali at maging kriminal na lang.

Balik-shabu ang North Caloocan, sa kabila ng dagdag-puwersa ng mga pulis. Nawala ang hayagang bentahan ng shabu at di na rin nakita ang mga dating tulak. Ang katibayan ng balik-shabu ay ang muling pambabato’t panggugulo ng mga menor de edad. Kailanman ay di pinasok ng PDEA ang North Caloocan dahil sa isang tanyag na pamilya.

Isa sa mga anak ng tanyag na pamilyang ito ay madalas makalusot sa bitag ni Floorwax (malaki at pangit na pulis), anang mga reporter. Mali. Talagang pinalulusot siya at tanging mga kasama lang niya ang nape-presinto. Presinto lang, mamaya, labas na. Walang sinabi si Bato sa katapangan ni Floorwax, kaya maraming shabu sa Caloocan. Pulis (pa rin) ang may hawak ng shabu, at di si Oca.

EDSA na naman. Kumober ako ng EDSA ’86 dahil “naglaho” ang defense and Crame reporter ng Evening Post (identified siya sa loyalista; noong pumutok ang EDSA, 10 taon na ako sa dyaryo). Wala roon si Cory. Ginamit lang siya ng mga rebelde dahil iyon ang utos ng Kano. Walang karapatan ang dalawang Aquino na agawin ang EDSA kay JPE. Alam ko yan; naroon ako at wala ang mga Aquino sa EDSA.

Si FVR ay sumama kay JPE pagkalipas ng 24 oras. Si JPE ang nagplano ng EDSA para wakasan ang “diktadurya” ni Marcos. Nakisali lang si FVR dahil sa Kano. Malinis man kung magtrabaho ang Kano, buking pa rin. Sila mismo ang bumuking sa kanilang kagagawan at ginawang tanga ang mga Pinoy. Ang EDSA ay sa QC lang.

Pagkalipas ng 31 taon, mahirap pa rin ang mahihirap at kinamatayan na nila ito. Sinungaling ang mga maka-Cory. Mas lalong sinungaling ang mga maka-Noy dahil ang mahihirap ay di nila tinulungan, bagkus pinag-shabu pa. Ang CCT nina Noy at Dinky ay nakatulong sa mahihirap para may pansugal at panshabu, kaya naging dambuhala ang jueteng at shabu. Yung ayaw maniwala, manirahan lang kahit dalawang araw sa North Caloocan.

Lumalaki ang oposisyon kay Pope Francis sa Vatican. Ito kaya ang nakita ng lumuluhang Birhen ng Akita sa Japan nang magpahayag siya kay Sister Agnes Sasagawa noong Okt. 13, 1973, anibersaryo ng aparisyon sa Fatima? Ang sabi ng mahal na birhen: “The work of the devil will infiltrate even into the Church in such a way you will see Cardinals opposing Cardinals, Bishops against other Bishops.”

Tuloy ang death penalty. Masidhi ang pagkontra ng mga mambabatas ni Digong na huwag isama ang kasong plunder. Para nga naman di sila mabitay dahil magnanakaw pa rin sila ng P50M, P100M, P1B sa taumbayan. Sige, payag ako. Basta huwag bibitayin ang mga nakamotor na papatay ng kawatang mga mambabatas.

PANALANGIN: Linisin Mo sana ang aming karumihan at patawarin yaring kasalanan. Salmo 51 (dalanging paghingi ng kapatawaran at isa sa mga panalangin ni Fr. Mar Ladra, ng Diocese of Malolos).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

MULA sa bayan (0916-5401958): Ang nangyari sa Tanay ay nangyari na rin sa Talamban, Cebu. Ang beteranong driver ay dapat alam ang bundok na kanyang tinatahak at di na nagtutuloy sa unang dulas ng preno. Estoy, ng Carcar, Cebu …7743

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending