IPINAKIKILALA ko sa inyo si Teban Kawali, Esteban Dawali sa tunay na buhay, Bulak-Gorot (Bulakenyong Igorot). Hindi siya gumagamit ng LPG (liquefied petroleum gas). Ang gatong niya sa pagluluto ay ang pinatuyong bunot (ng niyog), kahoy at uling. Kapag uling ang gamit niya ay napakasarap ng sinaing at ulam niya. Iba ang luto sa uling. Suki ko nga siya sa uling. Simula Santa Maria ay binibisikleta lang niya patungong Wecabu (Bocaue) at Tagbalas (Balagtas), nasa Bulacan din. Nasa Bocaue at Balagtas ang kanyang pinagkakakitaan. Sa P400 araw-araw na kita ay bastante na siya at ang kanyang maliit na pamilya. Hindi siya apektado ng krisis sa gasolina’t diesel (nagkakagulo na sa Bulacan, dahil maraming gasolinahan na ang sarado at luluwas pa ng Caloocan para makabili). Hindi rin siya nababahala sa napipintong pagtaas ng presyo ng LPG. Halos hindi nga niya kilala ang gasolina’t LPG. Sa isang banda, nakaiinggit ang simpleng pamumuhay ni Mang Teban.
LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 111009
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.