‘Kung umasta si Mocha akala mo’y babaeng sakdal-linis!’ | Bandera

‘Kung umasta si Mocha akala mo’y babaeng sakdal-linis!’

Ambet Nabus - February 23, 2017 - 12:05 AM

MOCHA USON

MOCHA USON

KAHIT naman kami ay natawa sa naging paraan ni Mocha Uson sa paglalabas niya ng komento laban sa dalawang programa ng ABS-CBN, ang Ipaglaban Mo (Abuso episode) at The Better Half na pareho niyang tinawag na “basura”.

Nakakaloka talaga ang babaeng ito na hindi raw nagbabasa ng mga reactions o negative comments and yet, ang lakas-lakas ng loob na magdunung-dinungan na akala mo’y siya na ang pinakamatalinong nilalang sa mundo. Sabi nga ng ilang netizen, kung makaasta si Mocha at kung makapanlait siya sa mga programa ng ABS-CBN akala mo’y isang babaeng sakdal-linis. Tama naman si kaibigang Ogie Diaz na imbes unahin ni Mocha na maglitanya sa social media ng kanyang obserbasyon bilang board member ng MTRCB, dapat sa board meeting niya ito dinala dahil hindi na siya ordinaryong “Mocha Uson” lang ngayon dahil may posisyon na nga siyang hinahawakan sa isang ahensiya ng gobyerno. Parte kasi ng obligasyon at tungkulin niya bilang isang board member na sa tamang forum dalhin ang kanyang mga isyu at hindi sa social media. Hmmmm, mukhang hindi nga siguro nabasang mabuti ni Mocha ang kanyang mga obligasyon sa MTRCB, o baka naman may problema lang sa comprehension? Ingat-ingat din pag may time MTRCB Board Member Mocha dahil gaya mo ay guardian at crusader din kami para sa Filipino morals and values, lalo na sa media in general.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending