Benjamin ‘willing to wait’ sa matamis na ‘oo’ ni Julie Anne | Bandera

Benjamin ‘willing to wait’ sa matamis na ‘oo’ ni Julie Anne

Ervin Santiago |February 22,2017
facebook
share this

Benjamin ‘willing to wait’ sa matamis na ‘oo’ ni Julie Anne

Ervin Santiago - February 22, 2017 - 12:10 AM

benjamin alves at julie anne san jose

KAHIT “exclusively dating” ang status ng relasyon ni Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose at Kapuso hunk Benjamin Alves, wala pa raw sila sa level na nagpapalitan ng “I love you”.

Inamin ni Benjamin na eight months na niyang nililigawan si Julie Anne at nasa “getting-to-know-each-other” stage pa rin sila until now, at willing naman daw siyang maghintay kung kailan magiging ready ang Kapuso singer-actress na pumasok sa seryosong relasyon.

“As a couple, wala pa naman kaming dapat aminin. We’ll just count the days that we were together, but as a far as a couple, like I said, we’ll make sure that everybody knows. I don’t think na kailangan ko itago,” pahayag ng binata nang makachika ng ilang miyembro ng entertainment press kamakailan matapos siyang mag-renew ng kontrata bilang ambassador ng GMA Network Excellence Award (GNEA).

Ang GNEA ay nasa ika-15 taon na sa paghahanap ng mga excellent graduating student ng Mass Communication, Multi-Media Arts, Electronics Communications Engineering kung saan ang isa sa pitong mapipiling finalist ay bibigyan ng plaque at P50,000.

Going back to Benjamin, sinabi rin nito na hindi niya minamadali si Julie Anne na sagutin siya dahil naniniwala siya na darating din ang tamang panahon para sa kanilang dalawa. “Worth the wait” din daw ang more than five year ng pagiging single sa pagdating ni Julie Anne sa buhay niya.

Ano ba ang nagustuhan niyang mga qualities ng dalaga? “Mabait, sobrang mabait, sobrang understanding sa trabaho po namin. Yun naman po ang masaya sa aming dalawa e na wala masyadong expectations, walang pabigat.

“We continue to to inspire each other. We build each other up. It’s very healthy for two people na magkaroon ng conflict or tampuhan. Naayos naman din po kaagad,” aniya pa.

At dito na nga sinabi ni Benjamin na hindi pa sila nagpapalitan ng “I love you” ni Julie Anne, “I would not step over boundaries na wala pa naman dapat. Kalakaran sa showbiz na itinatago ang relasyon kahit halatang halata na. Aamin lang ang mga ito kapag naghihiwalay na.”

May nagkomento nama na baka aamin lang sila kapag hiwalay na tulad ng ibang celebrities? “Yeah, it happens. We felt sad when we hear people na nagbi-break up kasi it’s hard. Ang hirap ng ganu’n, e. You will hope everyone na laging masaya, yung nabubuong relationship nila to last.

“Basta kami ni Julie, we’re just happy that the tandem that we shared together is special and it’s memorable. We will not get into something na mag-i-end lang pala sa separation.

“So, kung may aaminin man siguro, mauuna po yung aaminin namin na kami, huwag naman yung nag-end kaagad.

“Usually, yes, they have their reasons. I think kung kami masusunod, wala namang kailangang itago,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood sina Benjamin at Julie Anne sa afternoon series ng GMA na Pinulot Ka Lang Sa Lupa kung saan kasama rin nila sina LJ Reyes, Jean Garcia, Martin del Rosario at marami pang iba.

Anyway, para sa mga interesadong sumali sa GMA Network Excellence Award 2017, maaaring alamin ang contest criteria at mechanics sa www.gmanetwork.com/excellenceaward. Maaari rin kayong tumawag sa 928-7777 local 1108.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending