Singer-actress walang raket kaya inuubos ang oras sa model na bf | Bandera

Singer-actress walang raket kaya inuubos ang oras sa model na bf

Ervin Santiago |February 22,2017
facebook
share this

Singer-actress walang raket kaya inuubos ang oras sa model na bf

Ervin Santiago - February 22, 2017 - 12:15 AM

BLIND ITEM FEMALE 0429

HULAAN n’yo kung sino itong kilalang female celebrity na inuubos ang oras ngayon sa kanyang model boyfriend.

E, kasi nga, tila napabayaan na siya ng kanyang mother network dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang bagong proyekto.

Mahigit isang taon na ring hindi napapanood ang female star sa TV at maging sa pelikula at mukhang wala pa ring plano ang mga bossing ng isang TV network na bigyan siya ng show.

Sa ngayon, palaging naglalamiyerda si aktres sa kung saan-saan kasama ang kanyang dyowa. Sa katunayan, inookray na siya ng kanyang social media followers dahil sa kawalan niya ng pinagkakaabalahang trabaho.

May nagsabi pa nga na hindi na sila magugulat kung isang araw ay bigla na lang mababalita na buntis na si female star dahil nga laging nakabuntot sa kanya ang kanyang boyfriend. Ang paniwala nga ng mga tsismosa, nagli-live in na ang dalawa ngayon.

Oo, nga! Bakit kaya until now ay wala pa ring TV show ang female celebrity na ito na galing din sa showbiz clan. Talagang kinalimutan na siya ng kanyang mother station.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending