Mga hirit ni Kim sa Showtime waley, pero patok sa madlang pipol | Bandera

Mga hirit ni Kim sa Showtime waley, pero patok sa madlang pipol

Ambet Nabus - February 20, 2017 - 12:20 AM
kim chiu ISA naman kami sa naniniwalang bagay kay Kim Chiu ang mapabilang bilang co-host ng It’s Showtime. Kahit madalas na waley ang mga hirt at sundot ng dalaga, yun ang mismong nakakatawa sa kanya na masarap pakinggan at panoorin. Para siyang si Jhong Hilario na mabilis at literal na tumatawa sa kahit ano na lang na sitwasyon o spiels ng mga kasama. Mabilis din silang madala sa mga madamdaming tagpo, kaya’t masasabing very natural sila. Very steady ang career ni Kim sa ngayon. Busy ito sa taping ng summer sports serye nila ni Gerald Anderson at madalas na rin ang sighting sa kanila ni Xian Lim sa mga dinner dates o malling. Ang sey pa nga ng mga sources namin, nagkakataon pa raw na nagkikita-kita sa isang place o nasa area lang din sina Bea Alonzo at Gerald with Xian and friends.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending