Go for Gold aatake sa Stage Nine criterium | Bandera

Go for Gold aatake sa Stage Nine criterium

Angelito Oredo - February 19, 2017 - 12:03 AM

STA. ROSA, Laguna – Kulang man sa orihinal nitong miyembro matapos ipatawag sa pambansang koponan si George Luis Oconer ay pilit na gagawa ng hakbang ngayong umaga ang bagong buo na Go for Gold sa krusyal na Stage Nine criterium race ng 2017 Ronda Pilipinas na gaganapin dito sa Paseo de Sta. Rosa.

Ito ay dahil apat na miyembro ng G4G ang nakatuntong sa Top 10 ng overall individual classification ng 14 yugto na karera kung saan nakataya ang pinakamalaking premyo na P1 milyon para sa tatanghaling kampeon mula sa presentor at nag-oorganisa na LBC.

“Gusto po namin mailapit ‘yung oras namin bago pansamantalang magpahinga ang karera kasi importante ‘yung huling tatlong karera na gagawin sa Iloilo,” sabi ng 18-anyos at nasa una nitong pagsabak sa karera na si Jonel Carcueva, na nasa ikaapat na pangkalahatang puwesto sa overall.

Napag-iiwanan si Carcueva, na mula Menganilla, Cebu ng kabuuang 5:03 minuto sa kabuuan na 29 oras, 00 minuto at 19 segundo sa may hawak ngayon ng overall leadership na si Jan Paul Morales na kasunod ang mga kakampi nito sa Philippine Navy-Standard Insurance na sina Rudy Roque at Ronald Lomotos.

“Mahirap po talaga kalabanin ang Navy pero gagawin po namin ang aming buong makakaya para mabigyan sila ng magandang laban,” sabi ni Carcueva patungkol sa tatlo nitong kakampi na sina Bryant Sepnio at Elmer Navarro na nasa ikaanim at ikapitong puwesto habang nasa ikasiyam si Ismael Grospe Jr.

Matatandaan na tumapos si Carcueva at Sepnio na ikaapat at ikalima noong Stage Eight habang nasa ikapito ang kakampi na si Jigo Mendoza at ikasiyam ang team captain nito na si Ronnel Hualda upang mabawasan ang agwat ng kalabang Navy sa team overall mula sa 24:47 minuto tungo sa 20 minuto at 13 segundo na lamang.

Asam ng Go for Gold na protektahan din ang apat nitong miyembro na nasa Top 10 sa pilit pa na pagtapyas sa oras ng mga kalaban at makaagaw pa ng mas mataas na puwesto sa overall sa karera na suportado din ng MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Partas, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event Management.

Samantala, tuluyan nang umayaw sa karera si Julius Mark Bonzo at James Paulo Ferfas ng Bike Xtreme kasama sina Jay Lucero ng RC Cola NCR at Nelben Villafuerte ng Team Iloilo upang maiwanan na lamang sa kabuuang 78 siklista ang kabilang sa pinakamalaking karera ng bisekleta sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending