'Pag nagsalita pa si Erich laban kay Daniel pareho lang silang mawawasak!' | Bandera

‘Pag nagsalita pa si Erich laban kay Daniel pareho lang silang mawawasak!’

Cristy Fermin |February 19,2017
facebook
share this

‘Pag nagsalita pa si Erich laban kay Daniel pareho lang silang mawawasak!’

Cristy Fermin - February 19, 2017 - 12:05 AM

erich gonzales at daniel matsunaga1

DAMAGE control. Sa ganu’n lang mailalarawan ng mas nakararami ang ginawang paghaharap nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales sa mismong opisina ng Star Magic na nag-aalaga sa kanilang career.

Lumalala na ang sitwasyon, nadadamay na pati ang kanilang pamilya, kaya kailangan nang lagyan ng tuldok ang kontrobersiya. Kapag nagsalita pa si Erich tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan ay pare-pareho lang silang mawawasak sa mata ng publiko.

Kailangan nang tapusin ang isyu, kailangan na silang pagharapin, kaya huli man ang damage control dahil nagsalita na si Vanessa na kapatid ni Daniel ay nakahabol pa rin.

Nasa San Francisco, California na ngayon sina Daniel at Erich, may gagawin silang show du’n para sa mga kababayan natin, harinawang magkaroon sila ng panahong makapag-usap.

Pero tama na ang pagsasabing hindi naman pera o third party ang naging dahilan ng kanilang break-up dahil ang ganu’ng kuwento ay nanggaling din naman mismo sa kanila.

Huwag nang sisihin ang mga netizens, dahil ang naging ugat ng mga kuwento ay kay Erich din nanggaling nang burahin niya ang lahat ng mga pictures nila ni Daniel sa kanyang IG account, netizens pa rin ang kailangang sisihin sa naganap?

Tama nang nagkausap sila, tama nang natuldukan na ang kontrobersiya, pero ang sisihin ang ibang tao sa paglaki ng sunog ay kalabisan na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending