Fajardo, Beermen pinataob ang TNT, pumwersa ng semis game 7 | Bandera

Fajardo, Beermen pinataob ang TNT, pumwersa ng semis game 7

Dennis Christian Hilanga - February 18, 2017 - 10:28 PM

junemar fajardo

Photo from PBA Images

HUMUGOT ng sapat na lakas ang San Miguel Beer kay bigman June Mar Fajardo upang manatiling buhay at pataubin ang TNT, 104-88,  sa krusyal na game 6 ng kanilang best-of-seven semifinal duel Sabado ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Ipinoste ni Fajardo ang impresibong double-double sa kinamadang 23 puntos, 21 rebounds at apat na blocks upang pamunuan ang Beermen na maitakas ang panalo para itabla ang serye sa 3-3 at makapwersa ng do-or-die game 7.

Naabot rin ni Fajardo kanyang ika-11  20-2o career game para itala ang league-best rekord na ito sa lahat ng lokal na manlalaro.

Binura ng San Miguel ang 12 puntos na kalamangan ng TNT sa third quarter sa niratsadang 21-4 run upang muling angkinin ang manibela papasok ng final period.

Tuluyan nang isinara ng Beermen ang pinto sa KaTropa, 96-82, sa natitirang 2:13 ng laban sa likod ng three-time MVP na si Fajardo na tumipa ng siyam na puntos sa huling yugto at naging mahalagang piraso sa pagpigil sa opensa ng TNT sa second half kung saan nagbuhos ang San Miguel ng 59 puntos kumpara sa 35 lamang ng KaTropa matapos maiwan ng walong puntos, 45-53, sa pagtatapos ng first half.

Nagpasiklab rin si Arwind Santos na may 21 puntos at siyam na rebounds habang may 19 at 14 puntos sina Alex Cabagnot at Chriss Ross para sa San Miguel.

Tumipa si Jayson Castro ng 19 puntos at nag-ambag sina Roger Pogoy at Larry Fonacier ng tig-12 puntos para sa KaTropa na hindi nakitang maglaro si Troy Rosario dahil sa kasal nito.

Sa Lunes ang kapana-panabik na Game 7 sa Mall of Asia Arena pa rin kung saan tatangkain ng TNT na ipuslit ang panalo at makabalik sa finals ng Philippine Cup habang pupuntiryahin ng San Miguel ang ikatlong sunod na finals appearance sa nasabing kumperensya.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending