Alden isinugod sa ospital; mataas na ang lagnat, nawalan pa raw ng boses | Bandera

Alden isinugod sa ospital; mataas na ang lagnat, nawalan pa raw ng boses

Jun Nardo |February 18,2017
facebook
share this

Alden isinugod sa ospital; mataas na ang lagnat, nawalan pa raw ng boses

Jun Nardo - February 18, 2017 - 12:10 AM

ALDEN RICHARDS

ALDEN RICHARDS

HUMILING ng dasal ang AlDub Nation para sa mabilisang paggaling ni Alden Richards.

Natuluyan ang pagdala sa ospital sa Pambansang Bae na nilalagnat na nu’ng presscon ng Destined To Be Yours, ang launching series nila ni Maine Mendoza. Pero kinailangan pa niyang mag-taping kinabukasan.

Obviously, hindi na kinaya ni Alden ang sakit kaya hayun at nagpaospital na siya. Halos wala rin daw siyang boses kaya naman may nakapaskel sa room niya na strictly no visitors.

Mabuti na lang, hindi nagtuluy-tuloy ang masamang timpla ng katawan ni Meng.

Para kasing kambal sina Alden at Maine na kapag nagkasakit ang isa eh, nahahawa ang isa, huh!

Anyway, may date na ang show na “KS Sa US” (Kalyeserye Sa US) na pangungunahan nina Alden at Maine. Ang show sa Los Angeles ay gagawin sa April 9 habang ang show sa New York City ay sa April 12.

To be announced ang venue sa LA habang sa NYC ay sa Kings Theater sa Brooklyn.

Samantala, excited na ang lahat ng fans nina Alden at Maine sa pagsisimula ng kanilang launching teleserye na Destined To Be Yours. Eere na ito sa GMA Telebabad ng GMA simula sa Feb. 27.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending