Yassi Pressman napipisil bilang bagong Darna kaya binabasag ng fans ni Angel
Cristy Fermin - Bandera February 14, 2017 - 12:05 AM
WALANG mali sa itsura ni Yassi Pressman. Napakasarap niyang pagmasdan kapag tinututukan namin ang pinagbibidahang serye ni Coco Martin.
Napakaganda na niya ay magaling pang umarte, mahusay siyang sumayaw, kahit ang pagho-host ay nairaraos niya nang maayos.
Kinikilig ang mga kaibigan namin sa kanila ni Coco sa Ang Probinsyano, kahit alam naman ng marami na may Julia Montes na ang magaling na aktor ay nandu’n pa rin ang kilig sa tambalan nila, para kasing hindi lang sa harap ng mga camera ang kanilang relasyon.
Binibimbang ngayon ng mga tagasuporta ni Angel Locsin si Yassi dahil kumalat ang balita na siya ang bibida bilang pinakabagong Darna ng ABS-CBN.
Lahat ng pintas ay ibinabato ngayon kay Yassi, the who raw ba siya para bumida sa serye, para lang daw kay Angel ang nasabing role.
Sana’y magdahan-dahan muna ang mga bumabato ngayon kay Yassi, hindi man niya kasingsikat si Angel ay may sariling atake ang magandang aktres, kayang-kaya niyang bigyan ng hustisya ang pagiging Darna kung sa kanya nga ‘yun mapupunta.
Fresh na fresh si Yassi Pressman. Magaling siyang umarte, napakaganda pa, masarap siyang tutukan bilang bagong Darna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending