6.7 magnitude na lindol yumanig sa Surigao, 6 na ang patay | Bandera

6.7 magnitude na lindol yumanig sa Surigao, 6 na ang patay

- February 11, 2017 - 08:32 PM

 

HINDI bababa sa anim katao ang nasawi at mahigit 100 pa ang nasugatan nang yanigin ng 6.7-magnitude na lindol ang Surigao City at iba pang bahagi ng Surigao del Norte Biyernes ng gabi, ayon sa mga otoridad.
Sinira rin ng lindol, na ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay nagtala ng Intensity 6 sa Surigao City, ang paliparan at maraming gusali at imprastruktura sa lungsod.
Dahil sa malawakang pinsala, isinailalim ng Sangguniang Panglungsod ang Surigao City sa state of calamity.
Maraming pamilya sa Surigao City ang napalikas patungo sa matataas na lugar gaya ng Provincial Capitol nang maganap ang lindol alas-10:03, dahil sa takot na magkaroon ng tsunami, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense-Caraga.‎
‎Nag-panick din ang ilang pasyente na nakaratay sa Caraga Regional Hospital dahil sa lakas ng pagyanig.
‎Nasawi sina Roberto Eludo, 40; JM Ariar, 4; Wilson Lito, 35; Lorenzo Deguno, 85; pawang mga taga-Surigao City, nang tamaan ng mga debris o bumagsak na bagay, ayon sa ulat na ipinaskil sa Facebook page ng OCD Caraga‎.
‎Binawian ng buhay si Roda Justina Taganahan, 83, ng Surigao City, matapos atakihin sa puso, habang nasawi si Wenefreda Aragon Bernal, 66, nang tamaan ng gumuhong pader.
‎Nakapagtala ng 108 sugatan sa Caraga Regional Hospital, Medical Hospital, at Miranda Family Hospital.
‎Pito pa katao ang nasugatan din sa Sison, Surigao del Norte, at lima sa mga ito’y dinala sa ospital sa Placer, ayon sa OCD.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending