Maja: Ito na ang tamang panahon para magpaka-wild ako! | Bandera

Maja: Ito na ang tamang panahon para magpaka-wild ako!

Alex Brosas |February 12,2017
facebook
share this

Maja: Ito na ang tamang panahon para magpaka-wild ako!

Alex Brosas - February 12, 2017 - 12:10 AM
maja salvador NATUPAD na ang isa sa pangarap ni Maja Salvador. “Siguro isa sa ano po, ang wildest dream ko ay gumawa ng ganitong teleserye talaga,” she said. Of course, she was referring to Wildflower where she plays Ivy, an avenging barrio lass na nagging modern. Gusto niyang ipaghiganti ang namatay niyang ama at ina kaya naman binalikan niya ang barrio kung saan siya lumaki. “Nu’ng in-offer sa akin ito ‘di ba dapat parang pag-iisipan n’yo pa po. Pero after naming mag-meeting ay may sagot na po ako kaagad dahil bagong timpla, bagong teleserye ang ibibigay talaga. “So, sobrang na-excite po ako kasi parang nakaka-challenge na bigyan ka ng ganitong role, ang maging wild. Ako, bilang ako si Maja, parang siyempre hindi naman ganoon ang personality ko. Dito sa teleserye ay magpapaka-wild ako,” say niya. Daring ang kuwento ng Wildflower kaya naman natanong si Maja kung hanggang saan ang pagiging daring niya sa teleserye, “I’ll gonna surprise you. I’ll gonna surprise you all,” sagot ng dalaga. Later, she explained na, “Hindi naman porke’t sinabing wild ay puro kaseksihan lang.” “Puwedeng ang pagiging wild ng emosyon mo, wild sa emosyon ng pag-ibig, pagiging wild mo sa isang taong sobrang nanakit sa ‘yo.” Sabi pa ni Maja, depende raw ang pagiging daring niya sa gagawin sa kanya ng kanyang tatlong leading men na sina Joseph Marco, Vin Abrenica and RK Bagatsing. “Ibibigay ko ‘yun sa tatlong lalaki. Nasa kanila kung paano nila ako gagawing wild. Kung paano nila ako papa-in-love-in,” she said. Meron ba siyang wild side? “Magaling magkontrol si Maja, sa emosyon, sa lahat,” sagot niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending