Jak Roberto maghahanap ng ka-V-date sa Navotas fishport | Bandera

Jak Roberto maghahanap ng ka-V-date sa Navotas fishport

- February 12, 2017 - 12:35 AM
jak roberto IBA’T-IBANG kuwentong pag-ibig ang ihahatid ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa Valentine’s Day special ng programa ngayong gabi. Wala pa man silang ka-date ngayong Araw ng mga Puso, suwerteng suwerte naman ang ilan sa mga prinsesa ng banyera sa Navotas Fish Port. Ito ay dahil sa sasabak sila sa isang dating game at ang mananalo ay makaka-date ang tinaguriang Pambansang Abs ng Pilipinas – si Jak Roberto! Viral naman ngayon sa social media ang ad ng isang fast food chain tungkol sa isang lalaking na-in love sa kanyang “bestfriend”. Pero sino nga ba ang “bestfriend” sa naturang commercial? Kamakailan din lang sa Wowowin, isang lalaki ang nagtapat ng kanyang pag-ibig sa bestfriend niya. Paano nga ba kung na-in love ka kay bes? Ilan lang ‘yan sa mga dapat abangan tonight sa Kapuso Mo, Jessica Soho, after Hay Bahay, sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending