100 bahay naabo | Bandera

100 bahay naabo

John Roson - February 09, 2017 - 03:13 PM
albay Aabot sa 100 bahay sa Legazpi City, Albay, ang naabo nang lamunin ng apoy kaninang umaga, ayon sa pulisya. Nagsimula ang apoy sa Purok 1, Brgy. 28, Victory Village, pasado ala-1, ayon sa ulat ng Albay provincial police. Sinabi sa pulisya ng isang Vincent Daguiso, residente ng naturang lugar, na nadiskubre niya na lang na nasusunog ang bubong ng kanyang bahay, na gawa sa nipa, dakong ala-1:45. Katabi lang umano ng isang poste ng kuryente ang naturang bahay. Rumesponde sa sunog ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection mula Legazpi City, pati na yaong mga nakabase sa Camalig, Daraga, Sto. Domingo, at ilang mula pa Donsol at Sorsogon City dahil kumalat ang apoy. Idineklara ng BFP ang “fire out” alas-3:44. Walang naiulat na nasawi, pero tinatayang 100 bahay ang naabo. Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng apoy at ang halaga ng pinsalang dulot nito sa ari-arian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending