Paghihiwalay nina Daniel at Erich may konek daw sa pera | Bandera

Paghihiwalay nina Daniel at Erich may konek daw sa pera

Ambet Nabus - February 08, 2017 - 12:01 AM

erich gonzales

NANINIWALA kami na hangga’t walang nagsasalita kina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales hinggil sa kanilang rumored break-up, asahang manganganak at manganganak talaga ang isyung ito.

The fact na hindi na pina-follow ni Erich si Daniel sa mga social media accounts nito, at burado na rin ang mga litrato nila sa Instagram ng dalaga, mas naniniwala rin kami na matindi ang pinagdadaanan ng kanilang relasyon ngayon.

Ang isa sa mga rason na lumulutang ngayon kung bakit nagkahiwalay ang dalawa ay may kinalaman daw sa pera. May mga naririnig pa nga kaming mga tsismis na hindi na namin isisulat dahil medyo maselan na.

Kawawa silang pareho lalo na si Daniel na hindi naman gaya ni Erich na may kontrata sa network niya.

May isyu rin hinggil sa sobra umanong pagiging bratty o spoiled ni Erich na very dominating daw kay Daniel. Gusto daw nitong siya ang laging nasusunod. Again, unfair na husgahan natin agad si Erich base lamang sa mga naririnig at nababasa natin.

May tsismis ding nagparamdam daw ng “kasal” si Erich dahil nauuso nga ang engagement sa showbiz pero again, nang dahil daw sa isyung breadwinner si Daniel, parang dedma ang hunk actor sa usapang wedding.

Nauna nang tiniyak ni Daniel na wala raw third party na involve sa problema nila ng aktres kasabay ng hiling nito na sana’y ibalato muna sa kanila ang kanilang kapribaduhan.

Their situation now is very far from what we have seen in the past since they became a couple, lalo na noong ginagawa nila ang kanilang seryeng Be My Lady.

Pero sana’y huwag na nilang patagalin ang paghihintay ng kanilang fans, karapatan din naman ng mga ito na malaman ang totoo. Whatever they will say, yun na yun. Para matapos na ang lahat ng nega at pangit na impresyon noh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending