Coco, ‘Ang Probinsyano’ pinuri ng DILG, dapat daw gawing modelo ng mga pulis
Siguradong tuwang-tuwa at mas lalong inspired ngayon ang Teleserye King na si Coco Martin matapos makatanggap ng mga papuri mula kay Interior and Local Government Sec. Mike Sueno.
Buong-ningning kasi nitong sinabi sa harap ng mga pulis na gawing inspirasyon si “Cardo”, ang ginagampanang papel Kapamilya actor na si Coco Martin sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.
Bahagi ito ng speech ng Kalihim sa 26th Philippine National Police Foundation Day sa Camp Crame last Monday.
“Ipakita natin na buhay pa rin ang diwa ng kabayanihan sa pwersang pulis, sa mga taong inaasahang maging modern-day heroes katulad ni Cardo Dalisay mula sa teleseryeng Ang Probinsyano at lalo na ang ating mga true-to-life heroes tulad ng SAF 44,” ayon kay Sueno.
Hirit pa nito, “Let their sacrifices to the poor and to the country not be in vain.”
Siyempre, parang tropeo o award na rin ang natanggap ni Coco at ng buong produksiyon ng serye dahil sa tiwala at pagkilala na ibinibigay sa kanila ng pamahalaan, lalo na ang PNP at DILG.
Kung matatandaan, nauna nang pinuri ni PNP chief Ronald dela Rosa si Coco dahil sa kanilang numero unong serye, “Maganda ang ginagawa niyo sa Ang Probinsyano.’Bumabalik ang kumpiyansa ng mga tao sa mga pulis,” ayon kay Bato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.