Julia pasadong maging beauty queen, game bang mag-2 piece?
DAHIL sa afternoon serye ng ABS-CBN na Doble Kara, kinoronahang Daytime Drama Queen ang award-winning Kapamilya young actress na si Julia Montes.
Matapos ang mahigit isang taong pag-ere ng Doble Kara, magpapaalam na ang kambal na sina Sara at Kara na sinubaybayan at minahal ng mga manonood at nagpaiyak sa milyun-milyong Pinoy sa buong mundo. Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ni Julia sa mga taong tumutok at hindi bumitaw sa kuwento ng serye.
“Araw-araw ninyo akong pinatuloy sa inyong mga tahanan. Umaapaw ang aking pasasalamat sa mga alaala at mga taong nakilala ko,” ani Julia sa ginanap na thanksgiving presscon para sa Doble Kara.
“Maraming salamat po sa inyo dahil ipinadama ninyong hindi ako nag-iisa at isang pamilya tayo.”
Mula pa noong Agosto 2015, ang Doble Kara na ang siyang kumukumpleto sa hapon ng mga manonood. Naging mainit ang pagtanggap ng publiko sa serye, kaya naman naging consistent top rater ito. Sa katunayan, nagtala ang serye noong nakaraang taon ng all-time high national TV rating na 21.7%, base sa Kantar Media survey.
Tinututukan din ang Doble Kara hindi lang dahil sa mga makapigil-hiningang mga eksena nito, kung hindi dahil na rin sa mga aral na ipinapakita nito na sumasalamin sa pamilya Pilipino. Natunghayan sa serye ang hindi matatawarang pagmamahal ng mga ina kina Laura (Mylene Dizon) at Lucille (Carmina Villarroel).
Napanood din ang tatag at kakaibang katapangan ng mga ama para sa pamilya kina Ishmael (Ariel Rivera) at Antonio (Allen Dizon). Naipadama naman nina Sebastian (Sam Milby) at Edward (Edgar Allan Guzman) ang saya ng tunay at wagas na pag-ibig.
Dahil nga sa kalidad at mga aral nito, ilang award-giving bodies na ang kumilala sa serye tulad ng ALTA Media Icon Awards at PMPC Star Awards. Nakatanggap din ng sari-saring awards ang bidang si Julia sa pagganap niya bilang ang kambal na sina Kara at Sara mula sa 14th Gawad Tanglaw at Anak TV Awards, patunay sa kanyang dedikasyon at impluwensya sa mga tagasubaybay.
Sa nalalapit nitong pagtatapos, mas marami pa ngang dapat abangan dahil mas marami pang plano si Alex na isasakatuparan upang maghiganti kina Kara at Sara. Mas gugulo rin ang kanilang pamilya sa pagbabalik ni Lucille sa kanilang mga buhay.
Magiging magkakampi nga kaya sina Alex at Lucille? Sino pa nga kaya ang magbubuwis ng buhay para sa kaligtasan ng lahat? Maprotektahan kaya nina Kara at Sara ang kanilang mga pamilya sa mga nagbabadyang panganib?
Kasama rin sa cast ng serye sina Rayver Cruz, Mickey Ferriols, Alicia Alonzo, Anjo Damiles, John Lapuz, Nash Aguas, Alexa Ilacad, Polo Ravales at Patricia Javier. Huwag palampasin ang huling linggo ng serye tuwing hapon pagkatapos ng It’s Showtime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.