“Ang nag-clear pa lang sa kanya si Ginoong Sombero pero hindi pa ako nakahandang gawin yun,” sabi ni Escudero.
Ito’y matapos iabswelto si Aguirre ni retired police senior superintendent Wally Sombero, na siya umanong nag-abot ng P50 milyon kina dating n BI Associate Commissioners Al Argosino at Michael Robles bilang kapalit ng pagpapalaya sa 1,316 na Chinese national na nagtatrabaho ng iligal sa bansa para sa gambling mogul na si Jack Lam sa Fontana Leisure Parks and Casino sa Clark, Pampanga.
Nauna nang sinabi ni Aguirre na nilinis na ni Sombero ang kanyang pangalan.
Sinabi ni Escudero na hindi siya naniniwala na ligtas na si Aguirre dahil lamang sinabi ni Sombero.
Nais niyang humarap si Sombero sa pagdinig ng Senado.
“Una, bakit ka makikipag meet kay Sombero at Jack Lam sa hotel kung tungkol sa trabaho ang pag uusapan?” Sabi ni Escudero.
Sa pagdinig ng Senado, inamin ni Aguirre na nakipagkita siya kina Lam at Sombero sa Shangri-La hotel in Taguig noong Nobyembre 26 para pag-usapan ang pag-aresto sa mga Chinese na iligal na nagtatrabaho sa bansa.
“So hindi pa ako masyadong kumbinsido dun pero nasa kay Robles at Argoisno yun kung aamin sila at ituturo nila kung sino ba talaga, kung meron mang nag utos sa kanila,” ayon pa kay Escudero.
Binatikos pa ni Escudero ang desisyon ni Aguirre na makipagkita kina Lam at Sombero sa labas ng kanyang opisina.
“That is clearly indiscretion on his part, which he should have not done,” ayon pa kay Escudero.
Kinuwestiyon din ni Escudero ang pahayag ni Aguirre na hindi niya alam na aabot sa P50 milyon hanggang P100 milyon ang inaalok ng kampo ni Lam, matapos na sinabi niya na base lamang ito sa kanyang pagtaya.
“Sabi nya tingin daw nya yun ang halaga nya? Pinag iisipan pala nya yun na ito yung halaga ko bilang Justice Secretary. Cheap ang P50 million, P100 million pwede na. Ganun ba yun?” ayon kay Escudero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.