3 kawal patay sa NPA ambush | Bandera

3 kawal patay sa NPA ambush

John Roson - February 02, 2017 - 03:42 PM
npa Tatlong sundalo ang nasawi nang tambangan ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Malaybalay City, Bukidnon, Miyerkules ng hapon, ayon sa militar. Naganap ang insidente sa Brgy. Kibalabag dakong alas-3, sabi ni Capt. Norman Tagros, civil-military operations officer ng Army 403rd Brigade na nakabase sa Malaybalay. Dumadaan ang tatlong miyembro ng 8th Infantry Battalion sa Kibalabag lulan ng motorsiklo nang pagbabarilin ng mga armado, sabi ni Tagros nang kapanayamin sa telepono. Inulat ng isang sibilyan na nakatagpo siya ng tatlong bangkay sa gilid ng daan dakong alas-5, matapos iulat ng 8th IB na nawawala ang tatlong kawal nito, aniya. Huwebes ng hapon ay ibinababa pa ng mga kawal ang bangkay ng mga nasawi mula sa Kibabalag, na 15 kilometro ang layo sa Malaybalay City proper, ani Tagros. Tumanggi si Tagros na pangalanan ang mga nasawi dahil di pa naipapaalam sa kanilang pamilya ang insidente, pero sinabi na ang tatlo’y pawang mga nakatalaga sa Brgy. Manalog bilang bahagi ng “security support team.” Pabalik sa Manalog ang tatlo, na pawang mga naka-sibilyan at di armado, matapos mag-follow up ng proyekto para sa kanilang komunidad sa headquarters ng 8th IB sa bayan ng Impasug-ong, aniya. Kumuha rin ng subsistence allowance ang tatlo sa 8th IB headquarters bago tinambangan ng mga rebelde, sabi naman ni Maj. Gen. Benjamin Madrigal, commander ng 4th Infantry Division. Tinangay din ng mga salarin ang gamit at pera ng mga kawal, pero iniwan ang kanilang motorsiklo, sabi ni Madrigal sa mga reporter. “Marami silang tama ng bala, M16, ang description ng tropa overkill… tadtad daw ng bala,” aniya, patukoy sa katawan ng mga nasawing kawal. Ayon kay Tagros, naganap ang insidente matapos akusahan ni Jorge Madlos alyas “Ka Oris,” tagapagsalita ng National Democratic Front-Mindanao, ang mga kawal sa Bukidnon ng pagsasagawa ng opensiba at pananakot sa mga komunidad. “Ang ina-address naman namin doon community problems like livelihood, ancestral domain, ‘yung process nun, tinutulungan namin mag-followup ‘yung mga residents,” aniya. “Sabi ng NPA gumagawa daw kami ng offensive, we deny that statement,” sabi pa ni Tagros.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending